^

Pang Movies

Aga kinikilig kapag sinasabihang guwapo ang anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Aga kinikilig kapag sinasabihang guwapo ang anak
Aga

Ayon kay Aga Muhlach ay hindi naman daw niya pinagbabawalan ang dalawa nilang anak ni Charlene Gonzalez na sina Atasha at Andres na pumasok sa showbiz. “Pero ang sinasabi ko lang, ‘tapusin n’yo ‘yung eskwela ninyo, tapusin n’yo lahat ‘yan dahil hindi ko natapos ‘yan. Tapusin n’yo ‘yan, madali nang pumasok sa industriya.’”

Gusto raw niya ay sariling desisyon ng mga anak kung papasok man ang mga ito sa showbiz.“Kasi masakit ang industriya natin. Sa industriya na ‘to, huhusgahan ka nang huhusgahan parati and hindi ko kayang maano ‘yun pag hinusgahan nila ang mga anak ko,” wika pa ni Aga.

Anu’t anuman daw ang desisyon ng mga anak niya ay lagi naman daw silang nandiyan bilang magulang para alalayan ang mga ito.

Artistahin naman talaga ang dalawang bagets at naikukumpara pa nga si Andres sa kaguwapuhan ni Aga during his bagets days. May nagsasabi pa ngang mas gwapo raw ang anak kaysa sa ama pero may nagsasabi rin na ang aktor pa rin ang mas guwapo.

Aminado naman si Aga na kinikilig siya kapag sinasabing gwapo ang kanyang anak na lalaki.“When people naman tell me that ‘ang gwapo ni Andres,’ sino naman ang hindi kikiligin nu’n, di ba? Lalo na ang payat ng anak ko, ang tangkad, 6’2”, tapos pag nagbibihis pa siyang ganu’n, parang sabi ko, ‘kung ganyan ang katawan ko, mas magaling akong magbihis sa ‘yo, di ba?’ Pero siyempre, tinatawanan nila ‘ko,” sey ni Aga.

This year, for the first time after 12 years ay sa Pinas magpa-Pasko ang aktor and family dahil nga may Metro Manila Film Festival entry siya na Miracle in Cell No.7 ng Viva Films.

Excited na si Aga na sumakay sa float sa MMFF parade na gaganapin sa Dec. 22 since taong 1993 pa ang huli niyang MMFF film. Isasama raw niya sa parada ang pamilya at pati raw sa Gabi ng Parangal.

Alden nagmuni-muni sa 9th anniversary!

Sa Baguio nag-celebrate ang Asia’s Multimedia Star and lead star ng The Gift na si Alden Richards ng kanyang ika-9 na anibersaryo sa showbiz.

Nag-post ang aktor sa kanyang social media account ng mga larawan niya habang nasa tuktok ng Diplomat Hotel’s stone crucifix at mukhang dito niya ginunita’t minuni-muni ang kanyang past 9 years sa showbiz.

In his Twitter account, caption ni Alden sa larawan na nakahawak siya sa malaking stone crucifix, “it will always be YOU and I. Happy 9th.”

Iba naman ang caption niya sa kanyang IG account sa parehong larawan.

“‘When my heart is overwhelmed, lead me to the rock that is higher than I.’ Psalm 61:2,” ang caption ni Alden.

Sa bago niyang post kahapon ay nagpasalamat ang Pambansang Bae sa lahat ng blessings for the past 9 years and described the feeling as “surreal.”

Naging mabait naman talaga ang showbiz kay Alden dahil simula nang mabigyan siya ng break sa seryeng Alakdana sa GMA-7 ay nagtuluy-tuloy na ang suwerte ng kanyang career at hindi na nawalan ng projects.

His current teleserye na The Gift ay umaani rin ng tagumpay.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with