Gazini
Gazini pinuri kahit hindi nanalo!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 10, 2019 - 12:00am

Huwag na nating i-bash si Gazini Ganados dahil hindi niya naiuwi ang korona sa Miss Universe 2019.

She did her best kaya kahit talunan, pinapurihan siya ng ilang celebrities sa performance niya. Ayon nga kay Venus Raj na fourth runner up sa Miss Universe 2010, pressured siya sa back to back Miss Universe crown.

Tutal naman, deserving naman si Miss South Africa bilang Miss Universe dahil sa talino at ganda niya.

AiAi ayaw magsalita sa pagbabu ng SPS

Tikom ang bibig ngayon ni AiAi de las Alas sa nalalapit na pagbabu sa ere ng Sunday PinaSaya.

Gaya ng nabalita, Disyembre 29 ang final telecast ng GMA Sunday musical comedy show. Nitong nakaraang mga araw, naglabasan na sa social media na may bagong ilalabas na show sa January 5 2020. Gamit ng ilang nag-tweet ang hashtag na #Ayos. Wala pang kumpirmasyon ang Kapuso Network kung ito na ang title ng show.

Ang APT Entertainment ang producer ng show bilang blocktimer. Ayon sa pahayag ng nasa likod ng show, natapos na ang kontrata ng APT kaya hindi ito sinibak.

Station produced na ang bagong show.

Of course, may naghihintay pang trabaho ang ilan sa mainstays ng prog­rama. May comeback series si Marian Rivera na First Yaya habang si AiAi ay may bagong programa sa network. ‘Yung iba, pray hard na makasama sila sa bagong show na kapalit ng SPS, huh!

Samantala, handa nang mamaos sa kasisigaw ang Comedy Queen ngayong araw dahil manonood siya ng laban ng RP Men’s volleyball team sa Indonesia para sa gold medal. Instant fan na kasi siya ng kapwa Batangueño na si Bryan Bagunas, huh!

GAZINI GANADOS MISS UNIVERSE 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with