Miss South Africa
Miss South Africa wagi Gazini nag-celebrate kahit walang korona sa Miss Universe!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 10, 2019 - 12:00am

Hanggang Top 20 lang napabilang si Gazini Ganados.

Umaga pa lang kahapon ay nakatutok na ang lahat sa coronation ng Miss Universe 2019 na ginanap sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA na napanood ng live sa ABS-CBN.

Pero nanalo namang Best in National Costume ang naging pambato ng ating bansa na nagkamali pa at muntik pang mawala dahil si Miss Malaysia ang nakita sa stage eh ang tinawag ng host na comedian na si Steve Harvey ay si Gazini.

Mabilis namang naikorek.

Hindi man nakapag-uwi ng korona, sinabi naman ng Pinay beauty queen na ginawa niya ang lahat. “I was very proud, kasi nakapasok tayo sa top 20. I just did all my best. I couldn’t have had it any other way. I couldn’t do anything anymore because what’s done is done. The only thing to do now is to celebrate. We got into the top 20. That’s a hard thing to do, over 90 gorgeous, unique girls out there.”

Si Miss South Africa Zozibini Tunzi ang bagong Miss Universe at pinasahan ng korona ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Napagitnaan lang si Catriona ng Miss South Africa dahil sa kanya ipinasa noon ni Demi-Leigh Nel-Peters, Miss Universe 2017, ang Miss U crown.

Mga Kapamilya, umani ng 24 pagkilala sa Anak TV…

Umani ng 24 na pagkilala ang ABS-CBN dahil sa mga programa at personalidad nitong may dalang aral at inspirasyon sa mga bata sa Anak TV Awards kamakailan lang.

Nakatanggap ng Anak TV Seal of Approval ang Maalaala Mo Kaya, ASAP Natin ‘To, Nang Ngumiti Ang Langit, World of Dance, at Magandang Buhay.

Samantala, wagi rin ang TV Patrol, It’s Showtime, Kadenang Ginto, FPJ’s ANg Probinsyano, at The General’s Daughter na tumanggap ng Household Favorite award. Nakuha rin ito ng Nang Ngumiti Ang Langit para sa ikalawang karangalang nauwi nito sa naturang awards show.

Panalo rin ang mga artista nito sa Anak TV Awards pagkatapos silang gawaran ng 13 na Makabata Star awards, sa pangunguna nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bukod sa sikat na loveteam, ginawaran din sina Jericho Rosales, Liza Soberano, Lea Salonga, Francine Diaz, Beauty Gonzalez, Yassi Pressman, Susan Roces, Luis Manzano, Matteo Guidicelli, Joshua Garcia, at Robi Domingo.

MISS UNIVERSE 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with