Eat Bulaga pinuri dahil sa mga contestant na may HIV
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

Maraming pumuri at umiyak sa segment na Bawal Judgmental ng Eat Bulaga last Saturday na ang naging contestants na inimbita nilang sumali ay mga dating HIV patients, sa episode na Persons Living With HIV. 

May invited din silang doctor on HIV at si GMA broadcaster Susan Enriquez naman ang siyang pumipili ng contestants kung tama o mali ang judgment niya.

Maiiyak ka talaga sa mga pinag­daanan ng HIV patients pero ngayon ay natutong bumangon at hindi nagpatalo sa kanilang karamdaman. Isa lamang ang hatid nila, nagagamot ang HIV kung talagang magi­ging masunurin sila sa pagpapagamot, at ang mga taong may HIV ay hindi dapat katakutan at hindi dapat pandirihan.

Ngayong Monday naman ay magsisimula na ang maaga nilang Pamasko sa EB sa pmamagitan ng 12.12 Christmas ng Shopee, kasama sina Vic Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at sina Alden Richards at Maine Mendoza.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with