Marlon may ipinalit na agad kay Pia?!
Marlon
Marlon may ipinalit na agad kay Pia?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

Nang magkakatsika na naman ka­ming apat, nagulat ako nang may makita akong very familiar face na may kasamang girl na hindi pamilyar sa akin ang face.

Super titig ako sa lalaki na kamukhang-kamukha ni Marlon Stockinger na ex-boyfriend ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nang lumingon si Raymond, nag-dialogue siya ng, “Is that Marlon Stockinger?!”

Sabi ko kay Raymond, mukhang si Marlon nga ‘yung may kasamang girl.

Magkasabay na naglalakad ang lala­king sa tingin namin ay si Marlon at ‘yung girl at nag-uusap sila. Very casual lang. Hindi masasabing sweet, kaya ayaw namin magduda na baka ‘yon ang “ipinalit” nito kay Pia, huh!

Ayokong mag-assume, mahirap na, huh!

“Yeah, mahirap na,” sabi naman ni Bubbles na hindi nakalingon nang mag-dialogue si Raymond kung si Marlon nga ba ‘yung kadadaan lang sa harapan namin.

May something sa leeg or shoulder ni Bubbles, kaya hindi raw siya makalingon.

Sabi ko na lang kay Bubbles, ano kaya ni Marlon ‘yung girl?

Well, ewan...

‘Yun na!

Mother Lily happiness na ang mag-promote ng pelikula

Alam mo, Ateng Salve, masarap din na ‘pag Sunday ay pa-relax-relax lang, kaya naman sinamahan ko kahapon si Mother Lily Monteverde sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City.

Madalas sa nasabing mall ang Regal Entertainment producer kapag weekend. Nae-enjoy ni Mother Lily ang Power Plant Mall dahil may nagpia-piano sa may baba ng mall.

Maraming senior citizens na happy lang sa panonood at pakikinig sa nagpi-piano doon. May mga sumasayaw din.

Si Mother Lily naman, nakiki-piano dahil magaling talaga siya sa nasabing musical instrument!

At 80, very active pa rin si Mother Lily at masyado siyang nakakapag-enjoy sa buhay dahil pati ang pagpo-produce ng pelikula ay happiness niya!

Raymond araw-araw kung mag-workout!

Bukod kay Mother Lily, kausap ko rin sa Power Plant Mall si Raymond Gutierrez.

Nang malaman niya na kasama ko si Mother Lily, pinuntahan niya kami, kaya sobrang natuwa ang Regal Entertainment producer.

“My favorite,” sey agad ni Mother Lily sa twin-brother ni Richard Gutierrez.

Puring-puri ni Mother Lily ang pagiging fit ni Raymond, kaya tinanong niya ito kung gaano kadalas mag-exercise.

“Mother, every day. Minsan twice a day,” sabi ni Raymond.

“Ako, I always exercise. Minsan, tatlong beses sa isang araw,” sey ni Mother Lily.

Nagkita nga pala kami ni Raymond dahil aalis siya mamayang gabi pa-Los Angeles, California, pero babalik siya before Christmas, pero kino-convince siya ni Richard to extend dahil sa Christmas day ay pupunta rin ito doon kasama sina Sarah Lahbati at Zion.

“I don’t know pa,” sabi ni Raymond nang tanungin ko kung hihintayin na ba niya doon sina Richard, Sarah at Zion.

Anyway, bonding day din kahapon ni Raymond with his long-time friend Bubbles Paraiso.

Nang dumating si Bubbles, tsika-tsika kami hanggang tumugtog na uli ng piano si Mother Lily na ikinabilib nila.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with