Andrea at Derek
Andrea at Derek todo pakilig!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

Ang sweet naman na girlfriend ni Andrea Torres na binigyan ng surprise birthday party ang boyfriend na si Derek Ramsay last Dec. 7.

Ipinost ng manager niyang si Joji Dingcong ang short clip ng surprise party kung saan ay makikitang nasorpresa talaga si Derek nang dumating sa restaurant na biglang nagkantahan ang kanyang mga kaibigan.

Pero ang talagang most touching part ay ang mensahe ni Andrea kay Derek na ipinost nito sa IG. Dito ay sinabi ng aktres na answered prayer ang aktor at hindi na raw niya ma-imagine ang buhay na wala ito.

“My love, I will never run out of ways to show you how much I appreciate you. I wake up everyday with one constant goal - to make you happy.

“Remember that you’ll never have to face anything alone. I’m just always behind you - cheering for you, comforting you and, my favorite, making sure you’re well taken care of.

“Happy happy happy Birthday @ramsayderek07! I got youuu! Hahaha! Surprise!!!  Just want to remind you how special you are to so many people as well,” ang napaka-sweet and well written message ni Andrea for Derek.

“Last night i was holding back the tears. What you did was something very special that ill cherish for the rest of my life. I love you so much babe,” post naman ni Derek.

On the other hand ay nagpasalamat din ang aktor sa girlfriend at sinabi niyang never daw siyang nasu-surprise pero binago raw ito ni Andrea.

Catriona handa nang ipasa ang korona

As her reign comes to an end today, ready na si Miss Universe 2018 na si Catriona Gray na isalin ang korona sa susunod na Miss U.

Sa kanyang Instagram account ay nagpahayag si Catriona ng kanyang nararamdaman sa huling gabi niya bilang Miss Universe.

“My last night as reigning @missuniverse and my emotions are all over the place. But underneath the noise, the underlying tone is gratitude.

 “Gratitude for this amazing opportunity...for all of you amazing souls who have endlessly supported me and joined me on this journey.

“My message tomorrow night is dedicated to each and every one of you. 1 day to go....” ang nilalaman ng post ni Catriona.

Kasalukuyang nasa Atlanta ang beauty queen kung saan gaganapin ngayong Monday ng umaga (Sunday ng gabi sa US) ang Miss Universe 2019.

Hopefully ay sa kalahi rin niya maipasa ang korona na si Gazini Ganados, ang ating delegada para sa nasabing prestigious beauty pageant.

ANDREA TORRES DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with