Kasalang Jolo at Angelica next week pang-malakasan ang entourage!
Jolo at Angelica
Kasalang Jolo at Angelica next week pang-malakasan ang entourage!
Gorgy Rula (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Next week na ang wedding nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita na gaganapin sa Pelican hill sa Newport Beach, California.

Ipinost na ng magkasintahan ang kanilang prenup video, ang #roadtoforever at ang daming nag-comment na masaya sila sa inihanda nilang video na kinunan sa Tagaytay.

Nasa Amerika na si Mayor Lani Mercado kasama ang kanilang mga anak, at bukas na susunod si Sen. Bong Revilla.

Kakaibang biyahe ito kay Sen. Bong pagkatapos niyang ma-detain sa Camp Crame ng mahigit apat na taon.

Dati kasi nung nasa Crame pa siya, ramdam mo talagang nalulungkot siya kapag may nag-a-abroad na miyembro ng pamilya at naiiwan siya roon.

Kaya naman ang laki nang pasasalamat niya na nasa labas na siya, na-clear ang pangalan niya sa mga kasong ibinintang sa kanya, nang mag-decide na magpakasal na sina Jolo at Angel.

Eto nga, feeling family din itong si Gorgy Rula na isa sa unang nasabihan ni Jolo na ikakasal na siya.

Hindi lang ako sure kung darating ang mga kinuhang ninong at ninang na karamihan sa kanila ay nasa pulitika.

Ilan sa mga ninong at ninang ay sina Sens. Cynthia Villar, Manny Pacquiao, Bong Go, Sonny Angara, Imee Marcos, at Jinggoy Estrada.

Kasama rin si Cong. Loren Legarda, Marissa Andaya, pati si Mayor Sara Duterte-Carpio, at Mayor Joy Belmonte-Alimurung.

Ninong din ang kilalang negosyanteng si Ramon Ang, at ang favorite Tita ni Jolo na sina Mayor Andeng Ynares, Chaye Cabal-Revilla at Rowena Mendiola.

Abangan nyo na lang sa pahinang ito ang mga sidelights sa wedding na ito na exclusive na kukunan ng Pang-Masa (PM) at Pilipino Star NGAYON (PSN).

Yeng na-enjoy ang pag-arte 

Ngayong Tuesday ay may pa-acoustic live session si Yeng Constantino sa 112 Delgado, Quezon City bilang bahagi pa rin ng promo ng Metro Manila Film Festival entry ng TBA Studios na Write About Love.

Ang ganda ng rendition ni Yeng ng theme song nitong Ikaw Ang Akin na sinulat ni direk Crisanto B. Aquino.

Mukhang lalaban ito sa Best Original Theme Song.

May remake rin siya ng Kapag Ako ay Nagmahal na ginawa naman ni Joyce Ramirez ang music video.

Sa mga nakapanood ng naturang pelikula nung premiere night, ang dami nang nakapansin sa galing ni Yeng at puwede siyang lumaban sa Best Supporting Actress.

Hindi naman ito ini-expect ni Yeng. Ang gusto lang daw niya ay mapansin siya sa pelikulang ito dahil gusto na rin niya talagang pasukin ang pag-arte. Nag-audition daw siya kasi sa role na ito at napunta naman sa kanya.

“Ang panalangin ko po talaga for this project na kung makitaan po ako ng potential ng industriya, sana marami pong kumuha sa akin,” pahayag ng singer/actress nung nakaraang premiere night.

Magiging abala si Yeng sa bagong album niya next year. Kaya maaaring maisasantabi pa muna ang balak nilang magka-baby.

Kapag nakita nating normal uli ang kulay ng buhok niya, baka subukan daw niya uli ang mabuntis.

JOLO REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with