Probinsyano apat na taon na
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

Sa pagkakaalam ko, may mga anak din si Abby Viduya sa kanyang asawa sa Canada. Hindi lang ako sure kung isinama rin niya sa pagbalik sa Pilipinas ang kanyang mga anak.

Tulad ng ibang mga dating artista na mu­ling nagpaparamdam sa showbiz, napapanood si Abby sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang primetime drama action series ni Coco Martin.

Ipinagdiwang kahapon ng Ang Probinsyano ang 4th year anniversary nito sa ASAP Natin ‘To at invited ang lahat ng mga artista na naging bahagi ng programa.

Pagkatapos ng ASAP guestings nila, nagkaroon ng party ang cast ng Ang Probinsyano.

Mga pelikulang mangungulelat sa MMFF kailangan ng effort

Hindi natin kailangan na maging manghuhula para ating matukoy ang kung alin sa mga pelikula na kasali sa 45th Metro Manila Film Festival ang pipilahan at mangungulelat sa box-office.

Hindi ko na sasabihin ang pamagat ng MMFF movies na delikado ang katayuan pero sure na sure ang mga pelikula na tatangkilikin ng movie­goers tulad ng filmfest entries nina Vice Ganda at Anne Curtis, Coco Martin at AiAi delas Alas, Vic Sotto at Maine Mendoza at siyempre, ang Philippine remake ng Miracle in Cell No.7.

Marami na ang excited na mapanood ang mga nabanggit na pelikula.

Para naman sa mga filmfest entry na nanganganib, kailangan pa ng mga producer na painga­yin ang kanilang mga pelikula, kung gusto nila na magkaroon ng public awareness.

Mga beki sa parlor nakatutok na sa Miss U

Hindi puwedeng abalahin ngayon ang mga empleyado ng mga beauty parlor dahil tiyak na nakatutok sila sa coronation ng bagong Miss Universe.

Big fan ng mga beauty contest ang mga Pinoy at ang coronation night ng Miss Universe ang hinding-hindi nila puwedeng palampasin.

May biruan nga na kapag natalo ang bet ng Pilipinas, huwag ka munang pumunta sa mga parlor dahil tiyak na mainit ang ulo ng mga baklita.

Malalaman natin ngayong umaga ang magiging kapalaran ni Miss Universe Philippines Gazini Ganados. Kahit marami ang nagsasabi na malabo ang back-to-back win, ho­ping ang Pinoy beauty pageant fans na si Gazini ang magiging successor ng reigning Miss Universe na si Catriona Gray.

Jomari at Abby Viduya nagbalikan

Malabo na pala talagang magkabalikan si Jomari Yllana at ang kanyang live-in partner dahil may ibang karelasyon na siya, ang former sexy star na si Priscilla Almeda.

Matagal nang nag-quit si Priscilla sa showbiz pero nagbabalik siya pero ginagamit na niya yata uli ang kanyang tunay na pangalan na Abby Viduya.

Naging girlfriend ni Jomari si Abby nang gawin nila noong 1992 ang pelikula na Gwapings pero dahil mga bagets pa, hindi rin nagtagal ang relasyon nila.

Nagkaroon ng kanya-kanyang buhay at pamilya ang dalawa hanggang mag-reconnect sila kamakailan.

Hiwalay na rin si Abby sa asawa nito at matapos ang matagal na pamamalagi sa Canada, bumalik siya sa Pilipinas at muling sinusubukan ang kapalaran sa showbiz.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with