Robin
Mga reporter tinutulungan Robin inisip nang magretiro!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

Shoutout to Robin Padilla sa walang sawang pagtulong sa press people na nagkakasakit. Isang sabi lang kay Robin at basta nakumpirma niyang kailangan talaga ng financial help ang press people, nag-i-extend siya ng financial help.

Nag-extend siya ng financial help nang maospital si Letty Celi at ang huling tinulungan nito financially ay si Nene Riego. Mala­king halaga ang ibinigay ni Robin kina Manay Letty at Ate Nene na ayaw na niyang ipaalam pa. To think na hindi na masyadong active sa showbiz si Robin at nag-iisip na ngang magretiro dahil matanda na raw siya, gayung 50 years old pa lang siya. Saka, alam natin na ‘pag may right project na dumating sa kanya, tatanggapin nito.

Mabait sa press people si Robin at “batchmate” pa nga ang tawag sa mga reporter na nakasama niya at kasabayan sa showbiz.

Lovi gusto nang mag-Pasko sa piling ng dyowa

Ang sipag ni Lovi Poe dahil kararating pa lang mula Italy nag-shooting na agad ng para sa iWant TV series nila ni Zanjoe Marudo at para sa Viva Films’ movie na In Between Goodbyes with Marco Gumabao and Tony Labrusca. May special participation din si Lovi sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday sa role na hindi pa sinasabi.

May pambawi naman si Lovi dahil sa Christmas vacation, magkakasama yata sila ng British boyfriend niyang si Monty Blencowe. Nabasa namin ang convo nila kung saan, nag-post si Lovi ng throwback picture nilang dalawa at sinabing, “Italy’s not the same without you” na sinagot ng BF ng “Can’t wait for Christmas” na sinagot ni Lovi ng “me too.”

Xia masipag para sa Miracle...

Hindi lang si Aga Muhlach ang magpapaiyak sa Viva Films’ Metro Manila Film Festival entry na Miracle in Cell No. 7, kundi maging si Xia Vigor na guma­ganap bilang Yesha na anak ni Aga sa movie. Grabe ang reaction nang nakapanood sa trailer sa mga eksena ng mag-ama, lalo na sa mga hindi nakapanood ng Korean movie, hagulhol sila to the max at doon pa lang, kumbinsido na silang panoorin ang movie.

Ang cute lang, ang sipag ding mag-promote ni Xia ng Miracle in Cell No. 7, pinost niya ang poster sa Instagram (IG) niya at may pa-countdown sa showing sa December 25.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with