Gloria
Gloria Romero nagpapalakas na!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

Good news for the friends and fans of our Philippine Movie Queen Gloria Romero. Nakausap namin ang good friend niya, another movie actress, Luz Valdez at ibinalita niya na nakalabas na ng hospital si Tita Glo at nagpapalakas na lamang ngayon. Si Luz naman ay busy ngayon sa taping niya ng The Gift na siya ang mayamang lola ni Sep (Alden Richards)

Nami-miss na nga ng televiewers ng hino-host niyang fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko dahil na-hospitalized siya for her vertigo.  Nag-post nga si Director Rico Gu­tierrez ng picture ni Tita Glo nang dalawin niya ito sa hospital. Parang walang sakit si Tita Glo na beauty pa rin. Kaya ang mga batang kasama niya sa Daig… ay nag-comment din na miss na miss na nila si Lola Goreng. 

Si Nova Villa muna ang pansamatalang pumalit kay Tita Glo, pero ngayong gabi, si Ms. Boots Anson-Roa muna ang papalit sa kanya sa 3-Sundays Christmas presentation ng show titled Christmas Carol na gagam­panan ni Maine Mendoza ang role bilang isang ballet dan­cer. Makakasama ni Maine si Baeby Baste, Jenine Desiderio, Arny Ross, Elle Ramirez, Andrew Gan, Mosang, Radson Flores, Dani Porter, Tammy Brown at Rob Moya.

Mapapanood ang Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng The Clash.

GLORIA ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with