Graphic artist sinukuan ang mga talent manager na ‘nagpapatayan’ sa billing
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

Nabuwisit ang isang graphic artist dahil hindi magkasundo ang managers ng mga artistang magkakasama sa isang pelikula.

Hindi kasi magkasundo ang mga manager sa billing ng kani-kanilang alaga. Ilang beses nang ni-revise ang promo materials ng movie at sa busiwit ng graphic artist eh, umayaw na itong gawin.

Lumabas na ang promo materials ng movie. Pero dumaan muna ito sa maraming revisions bago naplantsa, huh!

Parang hindi dumaan sa butas ng karayom bago naaprubahan!

Wala kaming balita sa graphic artist kung bumalik na siya sa trabaho.

Boses ng blogger na si Mimiyuuuh bumibida na rin

Goodbye na si Catriona Gray bilang boses ng navigation application na Waze. Hello naman sa Pinoy vlogger na si Mimiyuuuh bilang kapalit ng Miss Universe 2018.

Maririnig ang tinatawag na Mimi-isms sa application gaya ng, “Nakasakay na ba kayo diyan? Opo, opo! Let’s go! SKRRT,” pati na ang pagsasabi na mag-seat belt at iba pa.

Aliw na aliw naman ang ilang netizens sa boses ni Mimiyuuuh!

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with