^

Pang Movies

‘The One’ na si Kylie

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Bukas na ipapalabas sa primetime ng ABS-CBN ang weekly series ng Dreamscape, ang The Haunted.

Sina Jake Cuenca, Denise Laurel ang mga bida sa The Haunted na sabi ay mala-pelikula ang dating.

Kahit magki-Christmas na, marami raw ang gusto talagang manood ng horror.

Anyway, after ng press launch ay kinumusta ko si Jake tungkol sa girlfriend niyang si Kylie Verzosa.

Ok naman daw silang dalawa at enjoy naman sa relasyon nila. Pero hindi raw niya mamadaliin si Kylie na magpakasal na dahil gusto niyang i-enjoy muna ng girlfriend ang career nito.

Pero alam daw niya na si Kylie na nga ang “the one”.

Ang bongga! ‘Yun na!

Bisaya at Greta hindi sinadya ang pagbabati

Alam mo, Ateng Salve, may ibang mga taong nakaka-stress talaga dahil ipinagpipilitan nila na sadya talaga ‘yung pagkikita’t pagkakaayos nina Annabelle Rama at Gretchen Barretto sa isang Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan.

Uulitin ko, accidental encounter ‘yung naganap kina Bisaya at Greta.

Halos araw-araw naman kasi kung imbitahan ni Mother Lily Monteverde sa Chinese restaurant na ‘yon si Bisaya.

Kadalasan, lunch, merienda at dinner kung kumain doon si Mother Lily ay palagi niyang tinatawagan si Bisaya at madalas na nakakasama rin ako.

Last Tuesday, bago pa nakita ni Mother Lily sa lugar na ‘yon sina Gretchen at Atong Ang (na kaliwa’t kanan ang business meetings doon) ay natawagan na niya kami para sumunod.

Nang dumating nga ako, nagulat ako nang makita ko roon ang mag-business partner, pero lumapit pa nga sa amin ni Mother Lily si Greta, kaya hindi ko na sinabihan si Bisaya na huwag nang pumunta.

Saka pagdating din naman ni Bisaya ay “wala na” si Gretchen, pero nagpunta nga lang pala ito sa comfort room.

So, ‘yung “pagbabati” nilang dalawa, aksidente lang talaga. Hindi sinadya, hindi pinag-usa­pan. Nagkataon lang talaga, kaya sana malinaw na, huh!

Pero ang maganda naman, marami ang positive feedback sa pagkakaayos nina Bisaya at Greta at pati nga ang una at si Atong ay nagkaayos na rin.

Ang bongga, ‘di ba?

Sylvia at pamilya nabiktima ni Tisoy

Nagbakasyon sa Tokyo, Japan ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez pati ang ilan nilang mga kaibigan.

Nang makatsikahan ko ang tatay ni Arjo Atayde, ikinuwento niya sa akin na na-extend sila ng isang araw sa Tokyo dahil sa bagyo.

Dapat Tuesday ang balik nila, pero naging Wednesday na. Pero talagang ganoon at mara­ming flights nga ang na-cancel noong Tuesday dahil nga sa bagyo.

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with