Matapos ilusyuning magiging asawa ang Kpop superstar Super Junior na si Siwon Choi in love kay Pia?!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

Marlon at Pia last September pa break!

Confirmed na ang pagiging single ni former Miss Universe Pia Wurtzbach ayon sa business manager niyang si Ms. Rikka Infantado-Fernandez.

Last September pa raw naghiwalay ang dalawa pagkatapos ng two years na on and off relationship nila.

Kaya inaabangan ng fans kung may chance na sila Pia ng K pop superstar na si Siwon Choi ng Super Junior na ayon sa isang source ay bagong suitor ni Pia.

Kilalang super fan ng K pop group na Super Junior ang beauty queen / actress na nang mag-concert nga sa Manila last year ay nanguna pa si Pia sa pa­nonood at nakipag-photo op kay Siwon.

Aminado rin si Pia na hindi siya makahinga nang nag-react pa ang K pop singer / actor nang mag-post siya ng wax figure nito nang magbukas ang Madame Tussauds Hong Kong kung saan si Pia ang first Pinay na nagkaroon ng wax figure sa nasabing museum.  “hahahahaha” ang comment ni Siwon at sagot ni Pia “Di ako makahinga hahaha.”

Ayon sa kuwento, may communication naman daw ang dalawa kahit noon pa, ‘yun nga lang may language barrier dahil hindi pa magaling sa English si Siwon na isang Christian at Regional Ambassador for UNICEF East Asia & Pacific.

Lumabas na noon ang balitang personal na inimbita si Pia ng Super Junior para manood ng kanilang concert three years ago at last year lang siya naka-oo nung last concert ng Super Junior sa MOA Arena, July 2018.

Year 2009 nang maging vocal si Pia sa fan girling niya kay Siwon na “super hot” at pinapantasya niya raw ito na magiging asawa niya.

So maging sila kaya?

Anyway, matagal nang nababalita ang on and off relationship nina Pia and Marlon.

Year 2017 nang mabuking na may kambal na anak si Marlon sa isang model na ang pangalan ay Kit Barraquias.

Ayon sa kuwento ng model noon, hindi siya naghahabol ng support para sa mga bata.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with