Polo pakakasalan na ang non-showbiz GF­
Polo
Polo pakakasalan na ang non-showbiz GF­
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

Si Polo Ravales sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City kahapon.

Nang makita niya ako ay lumapit at naki­pagkuwentuhan siya.

Napagkuwentuhan namin ang afternoon series niya sa GMA 7, ang Magkaagaw na magkasama sila uli ng dating ka-love team at ex-girlfriend na si Sunshine Dizon. “Ang nakakatuwa pa nga, si Direk Gil Tejada na direktor din namin noon sa Anna Karenina, kaya parang nagbalik ‘yung nakaraan,” sabi ni Polo.

Friends naman silang dalawa ni Sunshine kaya wala namang problema na nagkasama sila uli. Bale pagbabalik din ni Polo ang Magkaagaw series sa dati niya niyang home studio.

Anyway, sa tsikahan namin, nabanggit niya na engged na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend. “Noong December last year pa. Bale next year pa ang kasal namin. Tanda ko na rin, 37 na ako, kaya magpapakasal na kami sa June,” sey niya.

Pero nilinaw ni Polo na simpleng wedding lang ‘yon. “Hindi engrande. Simple lang na ok,” dagdag pa ng aktor.

Camille at Iya lagare sa taping para maka-abroad

Nag-a-advance taping na ang mga show ngayon.

Ang Mars Pa More nina Camille Prats at Iya Villania ay panay na rin ang advance taping.

Sabi ng isang staff, ang dinig niya mag-a-abroad si Camille at baka pati si Iya. Kapag natapos na raw ang advance tapings nila, sa January na uli ang taping nila.

Ruffa ‘mahigpit’ sa mga anak

Si Ruffa Gutierrez at ang mga anak na sina Lorin at Venice ay sa Australia raw magnu-New Year. Pero after Christmas na ang alis nila.

Sa December 24, sa bahay nila sa White Plains sila magsasama-sama.

Tradition na sa kanila ‘yon kasama ng mga taong nagwo-work sa kanila.

May mga pa-contest at pa-raffle sila para sa household helps, driver at personal assistants.

May mga pa-contest din, kaya ang saya-saya.

Going back sa New Year’s trip abroad nila, bale ‘yon ang pinaka-“prize” ni Ruffa sa mga anak dahil masisipag daw mag-aral sina Lorin at Venice.

Kahit may social life na rin ang mga anak ni Ruffa, pagdating sa studies, mahigpit sa mga ito ang aktres, huh!

‘Yun na!

POLO RAVALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with