Stephen Baldwin
Stephen Baldwin hindi napansin nang dumating sa Pinas!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

Father in law pa naman ni Justin Bieber

Kapwa dumating sa bansa ang Hollywood actors na sina Matt Damon at Stephen  Baldwin. Pero sa dalawa, mas nabigyan ng pansin si Matt na spotted lang sa Tagaytay at kumalat na agad sa social media ang pictures, huh!

Eh si Baldwin? Naku, may ginawa siyang movie sa bansa titled Kaibigan at nagkaroon pa ng premiere nitong nakaraang mga araw.

Kasama sa pelikula si Jean Garcia at inilabas niya sa kanyang Instagram ang video kasama si Baldwin na umalalay sa kanya.

Bahagi ng caption ng Kapuso actress, “Eh yung inalalayan ka ng isang Hollywood actor na itago po natin sa pangalang Stephen Baldwin, ayiiieee kilig si Inday hihihi!

“Such a gentleman!!!! Thank you Stephen!”

Of course, between Matt and Stephen, ‘di hamak na mas sikat ang una dahil sa Bourne series niya kumpara sa huli.

‘Yun lang, parang hindi masyadong nabigyan ng importansiya at media exposure  si Stephen habang gumagawa ng pelikula sa bansa na palabas na pala sa mga sinehan.

Angel P15-M na ang naipamigay

Mahigit P15-M na ang naitulong ni Angel Locsin sa nagawang charity works kasama na ang P1-M sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Kaya naman nagtaka si Gel kung bakit siya napasama sa listahan ng Philantropy List ng Forbes Asia magazine kasama ang bilyonaryong si Hans Sy.

Nagpasalamat ang aktres sa recognition.

Ipinagmalaki rin ni Angel ang pagkilala sa Bayanihan spirit ng mga Pinoy.

Siyempre pa, proud na proud sa kanya ang fiancé niyang si Neil Arce, huh!

STEPHEN BALDWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with