Heart
Heart buntis, sumama ang pakiramdam sa isang event?!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

Marami ang gustong maniwala na nasa interesting stage si Heart Evangelista dahil sa isang event na dinaluhan niya, masamang-masama ang kanyang pakiramdam.

Ang feeling ng mga eyewitness, may katotohanan ang tsismis na buntis na si Heart pero nag-deny siya nung minsan.

Sa ngayon, puro speculations tungkol sa tunay na kalagayan ni Heart ang naririnig at nababasa natin.

Hintayin na lamang natin mula kay Heart ang announcement dahil very generous naman siya sa sharing sa public ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya.

Basta ako, agree na dapat nang magbuntis si Heart para makumpleto na ang happiness nila ng kanyang gobernador na asawa.

Louise proud sa pakikipag-live in

May mga nag-react sa sinabi ni Louise delos Reyes na win-win situation ang pakikipag-live in niya sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Para sa mga conservative, talo ang mga kababaihan na nakikipag-live in sa kanilang mga karelasyon pero mukhang iba ang paniniwala ni Louise na hindi naman first time na nagkaroon ng boyfriend.

Ulilang lubos na si Louise kaya siguro naghahanap siya ng magmamahal sa kanya.

Malaki nga siguro ang epekto kay Louise ng magkasunod na pagpanaw ng kanyang mga magulang, lalo pa’t siya raw ang bunso sa pamilya.

At kahit siya ang youngest sa magkakapatid, tumutulong si Louise sa kanyang mga kapatid bilang siya ang maganda ang kita.

Napag-uusapan ang personal life ni Louise dahil starring siya sa My Bakit List, ang pelikula na pinagbibidahan nila nina Ivan Padilla at Prince Stefan na sa December 11 ang playdate.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with