Daniel
Daniel nagpaplano ng maraming anak kay Kathryn!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

Seven years na ang relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at siyempre, hindi maiwasang tinatanong na rin sila kung kailan sila pakakasal.

Pero sey nga ni Daniel sa kanyang panayam sa Tonight With Boy Abunda, ‘wag daw muna ngayon.

“Huwag muna, ‘to Boy, wala pa tayong masyadong datung, kulang pa ang datung ko,” natatawang sabi ni Daniel.

Pero siyempre, hindi naman itinatanggi ng aktor na napag-uusapan na rin nila ni Kathryn ang bagay na ito.

“Yeah, pero ‘yun ang pinaghahandaan na namin din ngayon. ‘Yun ang pinagtatrabahuhan din namin. Kasi siyem­pre, gusto ko ‘pag dumating ang panahon na ‘yun, ayoko ng pukpukan pa rin kasi siyempre after marriage, you have to have a family at ayokong maging late pagdating sa family,” ani Daniel.

Ipinagtapat din ng aktor na before 30 years old daw ang dream niya to settle down and have a family. He’s 24 right now. Pati magiging anak ay napag-usapan nila at sey ng aktor, “the more, the merrier.”

Pero kung two or three kids daw ay masaya na rin naman siya.

When it comes to dream wedding, ang gusto raw nila ni Kathryn ay sa dagat.

Natanong din kay DJ (palayaw ni Daniel) ang tungkol sa magiging set-up sa pamilya kapag nag-asawa na siya lalo pa nga’t tumutulong din siya sa ina’t mga kapatid. “Pinag-uusapan na namin ‘yun, you have to save up. Kaya ‘yun ang pinag-uusapan namin ng mama ko. Yeah you have to (save up) kasi siyempre, ngayon, oo, may bahay tayo pero darating kasi ‘yung punto na mag-iisip ako na gusto ko nang mag-asawa, bumukod, ibang usapan na naman ‘yun.

“So you have to save now, kasi once na dumating na ‘yung time na ‘okay, ready na ako, ready na ‘yung partner ko,’ at least mayroon kang malalabas na,” he said.

At pag dumating ang time na ‘yun, gusto naman din daw niya na steady na ang kanyang pamilya. Hindi naman daw niya gustong magtrabaho habang-buhay din ang kanyang ina.

“Once na bumukod ka, siyempre gusto mo, eh steady rin sila. Hindi naman pwedeng. . .at saka si Mama, I mean, ‘yan, nagtatrabaho siya ngayon, pero hindi ko naman gustong. . . (habang-buhay ay nagtatrabaho),” sey ni Daniel.

Sa ganitong pananaw ni Daniel, ngayon pa lang ay kitang-kita nang magiging mabuti siyang asawa’t ama ng kanyang mga anak.

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with