Barbie Forteza at Jak Ro­berto
Barbie Forteza Instagram
Barbie at Jak pinaaga ang White Christmas!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

Maagang nag-celebrate ng White Christmas ang mag-sweetheart na Barbie Forteza at Jak Ro­berto. Birthday kasi ni Jak Roberto noong December 2, kaya pumunta na sila ng Sapporo, Japan para doon mag-celebrate ng birthday niya at nag-tour na rin sila ng iba’t ibang lugar doon at siyempre, kumain ng mga paboritong Japanese food.  Sabi nga ni Barbie sa kanyang Instagram, bago raw sila umalis ni Jak, nagbasa sila ng mga blog kung saan masarap kumain ng Japanese food. 

Pero ang isang maganda nilang pinuntahan, ang Bell of Happiness sa Mt. Moiwa in Sapporo. At nag-wish dito si Barbie, posted sa kanyang Instagram: “They call the summit of Mt. Moiwa, The Lovers Sanctuary – I wished for more years of laughing, eating and figuring things out together then we rang the bell.  Love truly is magical.  Thank you for loving me @jakrorberto. I love you.”

Anyways, pagbalik nina Barbie at Jak, magsisimula nang mag-taping si Barbie ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday na first time nilang magsasama ng isa pang Kapuso young star na si Kate Valdez. Makakasama nila rito para gumanap na mga nanay nila, sina Dina Bonnevie at Snooky Serna. 

Serye ni Alden gagawin nang light!

Dahil malapit nang mag-Christmas, gagawin na bang medyo light ang mga eksena ng The Gift ni Alden Richards, sa pagpasok ng character ng batang si Kyle na gagampanan ni Baeby Baste? Loving kuya si Alden kay Baeby Baste off-camera. Kaya naman natuwa si Alden nang malamang maggi-guest ito sa serye nila.

Samantala, midnight kagabi hanggang kaninang umaga ay nag-taping si Alden sa isang mall, bago sila tutuloy sa mall show ng teleserye nila sa Dagupan City at 4:00 pm.  From there, aakyat na ng Baguio si Alden at iba pang Kapuso stars para mag-attend ng garden wedding ni Kapuso actress Joyce Ching sa boyfriend na si Kevin Alimon.

BARBIE FORTEZA JAK RO­BERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with