^

Pang Movies

Juday may kailangang patunayan sa MMFF

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Juday may kailangang patunayan sa MMFF
Juday

‘Di lahat award lang 

Hindi halos magkandatuto si Judy Ann Santos sa pagsasalita tungkol sa kanyang panalo sa film festival sa Cairo, Egypt. Talaga naman sigurong iba ang feeling ng manalo ka sa abroad, hindi mo alam kung sino ang mga kalaban mo, pero alam mo mula rin sila sa iba’t ibang bansa. Kung iisipin, ang Cairo hindi pa iyan kabilang sa pinakamalalaki kagaya ng Cannes, Berlin, at Venice filmfests. Pero ok na rin iyan.

Pero may isang bagay na kailangang patunayan si Juday. Ilalabas ang pelikula niya sa darating na MMFF, kailangang kumita ang pelikulang iyan. Kagaya nga ng sinasabi nating madalas, kahit na sabihin natin na ang pelikula ay isang sangay ng sining, hindi natin maikakaila na ang pelikula sa ating bansa ay isang industriya. Dahil industriya, kailangan kumikita. Kasi kung hindi kikita ang pelikula, walang papasok para mamuhunan.

Iyan ang problema ng industriya natin sa ngayon. Wala halos bagong namumuhunan kaya kakaunti rin ang pelikula. Iyon din ang dahilan kung bakit ang mga manggagawa sa industriya ay gutom.  Huwag ninyong sabihing may krisis sa bansa kaya mahina ang pelikula. Saan bang bulsa nanggaling iyang kinita ng mga pelikulang Ingles? Saang bulsa ba nagmula ang hinakot na kita ng pelikula ni Kathryn Bernardo? Eh kung sila may nahahakot sa Pinoy, bakit iyong iba walang makuha?

Ang pelikula ay parang pagkain lamang, madali mong sabihin kaya hindi nabibili iyan kasi walang lasa. Kung iyan ay damit, sasabihin mo hindi nabibili dahil hindi maganda. Kung iyan ay gamot, sasabihin mo hindi nakakagaling. Eh ang pelikulang hindi kumikita, ano ang masasabi mo?

Natutuwa kami kung may mga artistang kagaya ni Juday na nananalo sa abroad. Natutuwa rin kami kung may pelikulang nananalo ng awards. Pero sana kumikita rin sila.

Mga Korean star sunud-sunod ang pagkakaroon ng depression

Hindi natin masyadong napansin ang balita noong isang araw dahil nagkakagulo tayo dahil sa bagyong Tisoy. Pero kasabay noon isang poging Koreano na naman ang natagpuang patay, si Cha In-ha na miyembro ng boygroup na Surprise, at may mga ginagawa ring teleserye.

Sunud-sunod na namamatay ang mga Koreano, walang sinasabing sakit. Wala rin silang sinasabing foul play. Basta ang sinasabi lang nakikita na lang silang patay.

Ibig sabihin mukhang napakatindi ng depression na bumabalot sa kanila. Sikat sila. Maunlad ang kanilang industriya. Marami silang hanapbuhay. Pero bakit nangyayari ang ganoon?

CGI gamit na gamit sa sex videos

Kailangan maging maingat ang mga kabataan ngayon, lalo na sa mga nakaka-chat nila sa internet. Marami na ang nabiktima nang hindi nila namamalayan. Akala nila, simpleng chat lamang ang ginagawa nila, ang hindi nila alam, naire-record na sila ng kanilang kausap at diyan nanggagaling ang karamihan sa kumakalat na sex video, na kung saan biktima ang mga artista at iba pang personalidad.

Mayroon ding pamamaraan na ang akala nila may kausap nga silang personalidad rin, pero iyon pala ay video na lang, na nama-manipulate naman ng talagang mga utak sa pamamagitan ng CGI (computer generated imagery). Lumalabas na ang ka-chat ang siyang biktima. Magugulat na lang sila basta may nalaman silang sex video nila na nai-download sa mga “pay sites”, ibig sabihin binabayaran iyon ng mga kumokopya, na siya namang nagkakalat nang libre.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with