Arjo
Arjo nag-e-enjoy sa ‘boyfriend duties’ kay Maine!
Nitz Miralles (Pang-masa) - December 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinost ni Arjo Atayde sa IG Story niya ang black and white photo ng GF na si Maine Mendoza na nasa isang lugar na hindi malinaw kung gadget o make-up store.

Nakatalikod si Maine, pero kilala pa rin ang profile niya.

May caption na “duties” ang IG story at ang interpretation ng mga nakakita sa picture ay  “boyfriend duties” ang gustong tukuyin ni Arjo.

Obvious na kasama si Arjo ni Maine at siya ang kumuha ng litrato.

Magkasama rin sa California sina Maine at Arjo at game na nagpa-picture sa mga Pinoy based in California na nagsimba. Ang tsika, on their way sa Las Vegas ang dalawa to attend the wedding of Maine’s cousin. O, di ba, mami-meet na rin ni Arjo ang iba pang family ni Maine?

Sunod ni Carmina alam ni kris ang nangyari

Kinuwento ni Carmina Villarroel sa mediacon ng 2019 Metro Manila Film Festival entry na Sunod na suportado ni Kris Aquino ang movie niya na pumalit sa (K)Ampon ni Kris. Hindi raw siya natuwa at nagpa-party nang malamang pasok sa MMFF ang movie nila at naligwak ang movie ni Kris na ninang nila ni Zoren Legaspi sa kasal.

Ka-text niya si Kris nang malamang disqualified sa MMFF ang movie nito at sinabi pa ni Kris na sana, ang Sunod ang mapili. Nagdilang anghel daw si Kris dahil ang Sunod nga ang napiling ipalit sa (K)Ampon at hindi raw madi-disappoint ang mahilig sa horror movie.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with