^

Pang Movies

Louise umaming nakikipag-live in na sa BF!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Louise umaming nakikipag-live in na sa BF!
Louise

Sa presscon kahapon ng My Bakit List na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes, Ivan Padilla and Prince Stefan ay nakapagbahagi ang aktres ng kaunting impormasyon tungkol kina John Lloyd Cruz, Ellen Adarna at anak nilang si Elias.

Natanong kasi namin kay Louise kung sino pa ba ang gusto niyang maging leading man at ang sagot niya ay sina Lloydie at Piolo Pascual.

Dito niya nabanggit na nakita na raw niya ang baby ni Lloydie dahil pareho raw silang taga-Valle Verde.

Kaya naman naurirat na si Louise ng press tungkol dito like kung kamukha ba ni Lloydie, kung nakikita ba niya madalas, etcetera.

Kwento ni Louise, nung baby pa raw si Elias ay hindi kamukha ni Lloydie. “Nun’g baby pa siya, mas kamukha ng mommy. Nandu’n din si Ellen,” kwento niya.

Ngayon ba ay nakikita pa niya ang mga ito?

“Ay hindi. Hindi ko alam kung si John Lloyd ‘yung nagdya-jogging na nakita ko. Pero kasi, di ba, for a time, may balbas siya? Eh nagba-bike ako nu’n. ‘Si John Lloyd ba ‘yun?’ Sinubukan ko siyang habulin’,” natatawang kwento pa ni Louise.

Pero ang cute-cute raw ni Elias.

Natanong tuloy namin siya kung gusto na ba niyang magka-baby at aniya ay hindi naman daw. Hindi raw niya nakakalimutan ang bilin ng namayapa niyang magulang na kasal muna bago baby.

Sa ngayon ay happy naman si Louise sa kanyang non-showbiz boyfriend. Two years na ang kanilang relasyon at inamin din niya na one year na silang nagli-live-in.

Samantala, happy rin si Louise sa kanyang career at sa pangangalaga ng Viva Artists Agency. Ang My Bakit List na showing na ngayong Dec. 11 mula sa direksyon ni Bona Fajardo.

vuukle comment

LOUISE DELOS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with