Angel ka-level na sina Jack Ma at Hans Sy sa listahan ng Forbes Asia!
Sa sobrang generous
Kahilera na ni Angel Locsin sina Hans Sy, Indian business tycoon na si Azim Premji, Australian billionaire Judith Nellson at Chinese tycoon Jack Ma sa latest Heroe’s of Philanthropy ng Forbes Asia na nilabas nito last Monday.
Siyempre pa, ang charity works ni Angel lalo na ang donasyon niyang P1-M sa mga biktima ng lindol sa Mindanao ay malaking factor kaya nahirang si Gel sa 30 philanthropists na napabilang sa listahan.
Kabilang pa sa tulong na na-recognized sa aktes ay nung bakbakan ng rebelled at military sa Marawi City, ang donasyon sa Bantay Bata sa halip na magpagawa ng gown sa Star Magic Ball.
Frankie kinuyog ng DDS!
Inatake ng DDS o Digong Duterte supporters si Frankie Pangilinan, panganay na anak nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.
Bumanat si Frankie kay PDigong sa Twitter bilang tugon sa isang pahayag ng Pangulo na pinaaalis na ni Shawie si Sen. Kiko sa kanilang bahay.
Saad ni P-Digong, magre-resign siya kapag nagsisinungaling siya sa sinabi.
Isa sa tweets ni Kakie, “omg when he resigns ur welcome.”
Reaksyon ng isang netizen sa sinabi ni Frankie, “Nambablock si Frankie sa mga DDS!!! Huwag syan duwag!”
“Kulang lang sa pansin hindi siya matapang!” sabi naman ng isa.
- Latest