^

Pang Movies

Maine nag-quick vacation sa Amerika kasama si Arjo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine nag-quick vacation sa Amerika kasama si Arjo
Maine

Ini-enjoy ni phenomenal star Maine Mendoza ang long-delayed niyang bakasyon, pagkatapos nang sunud-sunod na shooting ng dalawang movies na ginawa niya this year, taping ng sitcom niyang Daddy’s Gurl, at humabol ang tapings ng three Christmas episodes ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Nag-shoot pa siya ng dalawang TV commercials kaya naman dumating siya sa point na halos nawalan na siya ng boses nang pumunta siya sa Dubai para sa Dabarkads in Dubai at ang live presentation nila ng Shopee Christmas special sa GMA 7.

Kaya naman pinayagan na siyang magbakasyon ng ilang araw bago siya magsimulang mag-promote ng movie nila ni Bossing Vic Sotto for the Metro Manila Film Festival sa December 25, ang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Kasamang nagbakasyon ni Maine si Arjo Atayde, ang mga kapatid niyang lalaki, sina Nico at Dean at kasama niya pagdating sa Los Angeles, California, ang mga relatives nila, ang Capili family ng kanyang Nanay Mary Ann.  Kaya naman first day pa lamang nila, masaya na silang nag-tour ng mga kapatid niya sa Disney California Adventure Park.

Pagbalik ni Maine, magri-report na siya muli sa Eat Bulaga.

Rachelle ann balik-Pilipinas

Balik-Pilipinas muna si international award-wining stage actress and singer Rachelle Ann Go-Spies. Pagdating pa lamang ay pumunta na sila ng family niya sa favorite spot nila, sa Boracay.

Last week lamang natapos ang pagganap ni Rachelle Ann sa role ni Eliza Hamilton sa stage play na Hamilton sa West End in England.  Two years din siyang nag-perform doon  for Hamilton.After her vacation, muli siyang babalik sa West End para muling mag-perform sa Les Miserables.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with