Gretchen
Gretchen at Atong Ang spotted sa Greenhills, nakipag-tsikahan kay Mother Lily
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 4, 2019 - 12:00am

Ang business partners na sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa isang Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan kahapon.

May mga ka-meeting sila. Kasama ko si Mother Lily na busy sa pagbabasa ng book.

Lumapit sa amin si Gretchen para bumati. Nagkuwentuhan sina Gretchen at Mother Lily.

Marami silang mga napag-usapan, pero they both asked me not to write about it. Bilang respect sa kanila, hindi ko na babanggitin ang mga napag-usapan nila.

Ayokong maging tsismoso, Ateng Salve, huh!

Pero sa tsikahan nilang dalawa, napagkuwentuhan nila ang days na nagsisimula pa lang sa Regal si Gretchen.

Lovi at Max gaganap na Dina at Snooky

Parehong pelikula ng Regal Films noon ang Bilangin Ang Bituwin Sa Langit na pinagbidahan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III at ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na pinagbidahan naman nina Ms. Gloria Romero, Snooky Serna, Maricel Soriano at Ms. Nida Blanca (SLN).

Parehong ginagawang series ng GMA 7 ang dalawang pelikula ni Mother Lily Monteverde.

Sabi mismo ni Mother Lily, nagpaalam sa kanila ang Kapuso network.

Ang anak niyang si Roselle Monteverde ang kausap ng Siyete tungkol doon.

Kung si Lovi Poe ang young Dina Bonnevie sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, si Max Collins naman ang gaganap na young Snooky.

Special participation lang sina Lovi at Max sa nasabing series.

In full swing na ang taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Mediacon ni Coco, kinansela

Nag-cancel ang ABS-CBN sa grand mediacon ng FPJ’s Ang Pro­binsyano dahil sa Bagyong Tisoy.

Pangungunahan sana ni Coco Martin ang mediacon na ‘yon.

Ang GMA 7, as of this writing ay hindi naman nag-cancel ng kanilang Christmas party for the press.

Panay pa nga ang remind nila sa pamamagitan ng text. Sunud-sunod na ang showbiz parties at noong Sunday nga ay nagpa-party na ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

Sa December 11 naman ang pa-Chrismtas party ng Kapamilya network for the press.

‘Yun na!

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with