^

Pang Movies

Sharon gustong mag-retire sa malamig na lugar

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon gustong mag-retire sa malamig na lugar
Sharon

Nag-post si Sharon Cuneta ng picture ng isang bahay na malaki, ang paligid ay maraming snow, may dekorasyong Pamasko ang bahay na puti, at nasabi niyang isang araw ay gusto niyang tumira sa isang lugar na hindi pa niya nararating at kung saan mayroong snow.

Inamin niyang isang araw ay gusto nga niya ang ganoong buhay. Tahimik, siguro nga ay malayo na sa showbusiness, at malayo na rin sa magulong pulitika. May biro pa siyang siguro susunod na lang doon ang kanyang asawa dahil abala pa nga sa pulitika pero “mauuna na kami”.

Noon pa naman niya sinasabing gusto na niyang mag-retire unti-unti. Hindi nga lang niya mabigla ang pagtigil sa showbusiness. Pero kung mapapansin ninyo, wala na rin naman siyang masyadong ginagawang projects. Napaghandaan na niya pati ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Siguro nga panahon na rin naman para siya mag-enjoy sa kanyang buhay.

Iyon naman ang talagang pangarap ni Sharon eh, isang matahimik na buhay bilang isang housewife. Hindi nagkaroon ng katuparan iyan dahil na­ging sagabal talaga ang kanyang career. Pero sa panahong ito naman siguro na wala na rin siyang hinahabol sa kanyang career, maaari na siyang mag-retire, manatiling isang showbiz legend at mag-enjoy.

Pero kung dito sa Pilipinas, hindi rin siya talaga matatahimik. Palagay nga namin mas maganda nga kung gagawin niya ang balak niyang iyan, na sa abroad na muna sila manirahan.

Dito mahirap silang matahimik dahil sa showbusiness at sa pulitika.

Romnick hindi maipakita ang husay

Hindi namin napanood ha, pero may mga kaibigan kaming kritiko na nagsabi sa aming napanood nila ang isang pelikula ni Romnick Sarmenta at hinangaan nila ang acting nito. Wala silang sinabing maganda ang pelikula o ano mang ibang comment, basta ang sinabi lang nila, napakahusay ni Romnick.

Naniniwala kami riyan, dahil maliit na bata pa iyang si Romnick nagpapakita na iyan ng kahusayan sa acting. Baka hindi ninyo alam kung gaano kaliit na bata iyan noong nagsimula siya doon sa Gulong ng Palad, at kahit na noon nakakaiyak ang batang iyan on cue.

Kahit na noon marami na siyang fans. Nang magbalik siya noong teenager na siya, dahil pogi naman eh, mas lalo siyang sumikat. Iyon nga lang, hindi rin naman nabantayan nang husto ang kanyang career, kaya medyo naudlot. Pero mahusay siya talaga.

Aktor dedma sa bading na basher

Hindi na lang pinapansin ng isang male star ang kanyang basher na bading. Kung anu-ano na kasi ang sinasabi noon tungkol sa kanya. Takot namang makipagharap. Tutal ang sinasabi nga niya, mukhang wala namang naniniwala sa mga sinasabi tungkol sa kanya kaya mas mabuti pa huwag na lang niyang pansinin.

Ganyan naman talaga ang laging problema eh. Maging mabait ka sa mga tao, kung minsan may mabubuo silang ibang ideya sa isipan nila, at iyon na ang kanilang igigiit na tama. Iyang mga ganyan hindi naman dapat kunsintihin talaga, at hindi na rin dapat pansinin.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with