Mayor Isko
Planong buhayin ang dating mga sinehan Mother Lily nanghingi ng tulong kay Mayor Isko
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Marami ang bilib sa mga ginagawa ni Mayor Isko Moreno para sa Manila.

Sa mga kasamahan niya sa showbiz, isa si Mother Lily Monteverde sa matindi ang bilib kay Mayor Isko.

Isa sa mga araw na ito ay balak puntahan ni Mother Lily si Mayor Isko. May property ang pamilya Mother Lily sa Avenida.

Naroon ang Monte Mart na dating supermarket at department store at may hotel pa.

Doon din ang Lord at Jennet theaters kung saan madalas na nagte-theater tour ang Regal Babies niya noong 80’s.

Alam mo, Ateng Salve, natatandaan ko pa na noong bata-bata ako ay ilang beses kong nakitang nag-theater tour doon sina Snooky Serna, Albert Martinez, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, Maricel Soriano, William Martinez at iba pa.

Madalas din na maging shooting location ng mga pelikula ng Regal Films ang nasabing property.

Buhay na buhay noon ang Avenida at plano ni Mother Lily na i-revive ang Monte Mart.

Naroon pa rin naman daw ang pro­perty na ‘yon at wala raw gumagamit.

Gusto ni Mother Lily na pagandahin ‘yon.

Well, sana nga, mangyari ‘yon sa tulong ni Mayor Isko. Sana ay magkausap na sila ni Mother Lily!

Vice at Anne movie, ayaw pang ibuking ang ibang kasama!

May balak kaya ang Star Cinema at Viva Films na i-reveal ang ibang mga artistang kasali sa The Mall, The Merrier?

Tiyak na mae-excite lalo ang mga fan kapag nalamang bukod kina Vice Ganda, Anne Curtis ang iba pang naka-announce na cast ng nasabing Metro Manila Film Festival 2019 official entry ay may iba pang big stars na kasali roon.

Pero sa ngayon, mukhang lihim pa yata ang mga ‘yon.

Baka kapag malapit na ang opening day nila sa December 25 ay i-announce na ang pangalan ng mga artistang ‘yon.

Dalawang pelikula sa MMFF 2019 sure na raw na kulelat!

Naku, dalawang pelikula kaagad na kasali sa MMFF 2019 ang sinasabing magna-number 7 and 8.

Kawawa naman, hindi pa nga sila naisu-sho­wing ay sinasabing sure na sila na mangungulelat.

Tsk... tsk... tsk...

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with