Frankie
Mag-inang Sharon at Frankie sumagot sa binuko ni Pres. Digong
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Nag-react agad ang mag-inang Sharon Cuneta at Frankie Pangilinan sa na­ging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinaalis na raw ni Megastar sa bahay ang asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Inirepost nina Shawie at Frankie ang screenshot ng report sa CNN na may titulong Duterte claims Sharon Cuneta wants Kiko Pangilinan out of their home.

Sa nasabing report ay sinabi umano ni Presidente Digong na “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo.”

Sinabi rin daw ni Digong na willing siyang mag-resign kung nagsisinungaling siya.

“At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign,” the President was quoted to have been said.

Ayon pa sa report ng CNN, sinabi ito ni Pres. Duterte sa Andres Bonifacio Day Rites held at Caloocan City last Nov. 30.

Last Sunday ay magkasunod na nagbigay ng kanilang mga reaksyon sina Sharon at Frankie.

Nauna si Frankie na sumagot sa kanyang Twitter account. Una niyang reaksyon, “hala buti pa siya alam.”

Pangalawa niyang tweet ay idinaan niya sa biro.

“Actually kaya po ako nasa nyc pati po ako nadamay ayaw na daw po ako @ home,” tweet ni Frankie.

As we all know ay kasalukuyan siyang nasa New York para mag-aral.

Pangatlong sagot niya na halatang imbyerna na, “imagine making yourself dinner in your tiny apartment and tucking yourself into bed with a warm blanket only to get a notification informing you your parents are arguing daw. it’s not either of your parents, it’s not your sister, not the dog, it’s rodi.”

Dagdag pa niya, like imagine being more concerned with “ruining” a perfectly happy family instead of... being... a good leader..

“Homesick na nga naging sick of home pa.”

Nag-tweet pa ulit siya at aniya, “omg when resigns ur welcome.”

Bandang gabi ay si Sharon naman ang nagbigay ng kanyang statement. Aniya ay na-shock daw siya sa balita na ipinarating ni Frankie sa kanya.

“Just spent the whole day with Kiko, Miel, Miguel, ZsaZsa and Conrad in our farm, so this piece of news sent by Kakie kinda shocked me! I dunno if it’s true that the President, my “Tatay,” really said this, and I haven’t been able to see or speak to him since before my brother’s campaign for Mayor!” simula ni Sharon.

Kasunod nito ay tinanggi niya ang sinabi ni Digong.

“So I don’t know where this is coming from, honestly. If my husband and I separate, you’ll hear it from me! I don’t think anyone expects an announcement of this sort from the President of their country!”

Gayunpaman ay inisip ni Shawie na baka nagbibiro lang ang kanyang “tatay”.

“Tatay likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the Opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past!

“Please rest assured that all is fine with my family. My stress comes from other people and things, but right now my family and marriage have never been happier! God bless you all! Love you guys. Wait for my post on YouTube of our day today at the farm!” ang pagtatapos ni Sharon.

Maya-maya ay nag-post ulit at sinabi niyang hindi raw bothered ang asawa niya sa issue. Sinuportahan din niya ang tweets ni Frankie at sabi nga raw ni Sen Kiko sa kanya, “anak mo nga ‘yan.”

“Kakie may be little Kiklet, kamukha ng Daddy niya at di tumataba pareho din ng Daddy niya - but she is almost exactly like me. Well, she is my best friend among my four children (they don’t mind because I love them all equally). And because di ko hawak ang mga utak ng mga anak ko, and after all, we’ve raised them all and have always encouraged them to express themselves and stand up for what they believe to be right, I will continue to let her be. She knows she will always have my love and support. She is, again after all, her Mama’s daughter,” pahayag ni Shawie tungkol sa panganay na anak nila ni Kiko.

FRANKIE PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with