Heart
Heart at PAWS namigay ng bahay sa kuyang nag-aalaga ng mga aso
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Binigyan ng sariling bahay ni Heart Evangelista at ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang isang homeless para may matirhan kasama ang inaalagaang mga aso.

Sa kanyang Instagram stories, naka-blind fold ang lalaki habang patungo sa bahay habang akay niya kasama ang isang lalaki.

“You have a heart of gold so your deserve the world,” bahagi ng caption ni Heart.

Sey naman niya, “Silipin mo na ang bahay mo, Kuya Jun. May kuwarto ka diyan!”

Dagdag ni Heart, “Wala ka na sa daan. Safe na sila.”

“Maraming nagmamahal sa akin,” sey naman ni Jun matapos bigyan ng cake.

Kung hindi kami nagkakamali, nakita ni Heart si Jun sa MRT station sa New Manila na pinapakain ang mga alagang aso at tila doon na nakatira.

Binabaan siya ni Heart at pinasalamatan ang malasakit niya sa mga aso.

“Thank you to @pawsassioproject for making everything possible,” sey ni Mrs. Chiz Escudero.

John Lloyd handa nang bumalik sa showbiz

Bumisita si John Lloyd Cruz sa bahay ni Dr. Vicki Belo. Naka-bonding ni John Lloyd ang anak nitong si Scarlet.

Pinost ni Dr. Vicki ang picture nila ni JC sa Instagram. Isa sa napag-usapan nila ang pagbabalik ng aktor sa showbiz.

Caption ni Dr. Belo, “JL seems surprised when I told him how everyone still misses him after 2 years of being absent from the limelight.

“In a very soft voice he said how grateful and humbled he was by people’s love and loyalty. I think he’s ready to go back. We can’t wait.”

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with