Gazini
Gloria ramdam na malabong manalo si Gazini
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Wala raw natatanggap na imbitasyon si 1969 Miss Universe Gloria Diaz para sa Miss Universe 2019 kung magiging isa ba siya sa mga judge nito.

Gaganapin ang nasabing pageant sa Atlanta, Georgia, U.S.A. kung saan ang pambato nating si Gazini Ganados ang lalaban.

Hindi naman daw big deal ito kay Gloria, pero sa opinion niya raw, Gazini has a 50/50 chance of winning.

She was a judge sa Binibining Pilipinas Universe nang manalo si Gazini ng kanyang title.

Kung sabagay, all contests nga naman ay suwertihan lang, at tiyak daw na matinding suwerte for the Philippines kapag nag-back-to-back victory si Gazini after Catriona Gray na siyang naging title holder ng Miss Universe 2018.

Well, let’s all wish Gazini good luck.

Isah V. Red na-miss sa Christmas party ng SPEED

Simple lang pero masaya ang katatapos lang na Christmas party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), which was held sa Limbaga 77 Café & Restaurant, Scout Rallos, Quezon City.

The said organization’s incumbent president is Ian Fariñas, entertainment editor ng Peoples Tonight.

Now on its fifth year, SPEEd’s first president was the late Isah V. Red ng Manila Standard.

Now of course, si Nikki Wang na ang showbiz editor ng MS.

All SPEEd members, most of whom wore red attires were present, except for Jojo Panaligan of Manila Bulletin, na nasa Korea raw ngayon dahil sa isang assignment ayon sa editor natin ng PM (Pang Masa) at PSN (Pilipino Star NGAYON) na si Salve V. Asis.

Now, going back to the event, hosts ng program ay sina Dondon Sermino (Abante), Ervin Santiago (Bandera) at Tessa Mauricio (The Manila Times).

Because of them, buhay at naging masaya ang party, bagama’t sa totoo lang, I would still prefer to read them.

Well represented ang networks, at may representatives din ang UNILAB at Globe na ‘di matatawaran ang magandang pakikisama sa SPEEd.

Of course, Isah was properly remembered with a moment of prayer.

Sa totoo lang, na-miss namin si Isah, since always, he helps make every entertainment press party and presscons relevant at masaya.

Isah, wherever you may be now, please rest in peace.

Christmas party ng GMA-7 para sa press, kasado na!

Buenamano sa pag-organize ng Christmas party for the entertainment press ang GMA-7.

Invitational of course ang event. Marian Domingo, ng PR department ng network, made sure na invited talaga ang mga kasama natin sa panulat.

Sari-saring contest ang itinakda sa mga dadalo. Pinaka-highlight of course ang mapipiling pinaka-glittering ang attire.

May cash prize na naghihintay sa couple na mananalo. Ganunpaman, everyone na dadalo is assured na walang uuwing luhaan.

Sunshine mag-a-announce ng kasal ‘pag sure na

April pa pala last year nang ma-annulled ang kasal nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

While Cesar has chosen to keep quiet about the issue, Sunshine freely discusses about it.

After all, it’s an open book na may bago na siyang karelasyon, si Macky Mathay, half-brother ni Ara Mina.

Asked if they are now talking about marriage na. Natawang sagot ni Sunshine, she will make the proper announcement if ever.

Meanwhile, showing pa ang pelikula nilang The Hei­ress kasama sina Maricel Soria­no, Janella Salvador at McCoy de Leon.

Mayamang businessman nagsawa na sa gulo ng partner

Hindi pa raw kaya nakakara­ting sa long-time partner ng isang kilalang mayamang businessman na may kasalukuyang sinusuyo ang kanyang ‘asawa’ na isa ring attractive and popular lady, na matagal nang hiwalay sa kanyang ‘permanenteng’ asawa?

Posible raw kasing ang businessman ay fed up na sa sari-saring controversy na kinasasangkutan ng kanyang partner, with whom nga pala he has a daughter.

Bagama’t sa gulong ito involving his partner, nanatili siyang tahimik and dignified.

Sabi nga, he is a decent man.

Kilala sa showbiz, on the other hand, ang kanyang asawa.

GAZINI GANADOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with