Mister ng aktres, magkakaanak na raw sa iba
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Hiwalay na raw talaga ang isang pulitiko at misis nitong actress.

In fact, hindi na raw ito (actress) umuuwi sa kanyang dating hometown.

Preggy na diumano ang bagong partner ng pulitiko ayon sa isang source.

Matagal nang pinag-uusapan ang sinasabing hiwalayan ng mag-asawang ito na parehong may konek sa pulitika.

Walang nanggagaling na confirmation sa mag-asawa.

Kuya Kim nagwagi sa Southeast Asia Video Festival

Wow, nagdala ng karangalan sa bansa ang educational program na Matanglawin ng ABS-CBN matapos magwagi sa ikatlong Southeast Asia Video Festival for Children (SEAVFC) na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.

Dinaig ng Matanglawin ang mga entry mula sa Singapore (Little Achievers) at Thailand (A Melody) sa Professional Non-Fiction 8-12 years old category ng SEAVFC, na binuo ng mga bansa sa Southeast Asia upang palaganapin at kilalanin ang mga de kalidad na programa para sa mga kabataan sa telebisyon.

Nanalo ang episode na United in Love ng programa, kung saan ipinakilala ni Kuya Kim Atienza ang ilang mga batang nagpapakita ng kahanga-hangang pagmamahal sa mga hayop, kalikasan, at kapwa bata.

Mahigit umanong 70 entry mula sa mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam ang nagtagisan ngayong taon sa SEAVFC, na may layuning iangat ang iba-ibang kultura sa rehiyon at ibida ang positibong mga katangian tulad ng respeto, pagkakaisa, at pagkakaintindihan.

KUYA KIM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with