Lungkot ni Boy ramdam na ramdam
Boy
Lungkot ni Boy ramdam na ramdam
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Nanay Lesing, lalo na sa kanyang anak na si Kuya Boy Abunda na siguradong dinaramdam nang husto ang pagkawala niya.

Binawian ng buhay ang 90-year-old mother ni Kuya Boy noong Linggo, December 1, 2019 sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Feel ko ang nararamdaman na lungkot ni Kuya Boy dahil mahal na mahal nito ang kanyang ina. Noong magkasama pa kami ni Kuya Boy sa Startalk, hindi siya nawawalan ng mga kuwento tungkol sa nanay niya.

Very close si Kuya Boy sa kanyang ina na sentro ng buhay niya. Kahit inihanda na ni Kuya Boy ang sarili, sure ako na devastated pa rin siya sa pagkawala ni Nanay Lesing.

Mapalad si Kuya Boy dahil nakasama nito for 90-years ang kanyang ina at higit sa lahat, napagsilbihan niya si Nanay Lesing. Muli, ang aking pakikiramay sa mga naulila ng ina ni Kuya Boy.

Ellen carbon copy ang anak kay John Lloyd

Kasama ni John Lloyd Cruz sa Japan ang kanyang anak na si Elias nang dumalo siya sa kasal nina Vhong Na­varro at Tanya Bautista.

Personal na nakilala ni Scarlet Snow Belo si Elias dahil nagkita sila sa Kyoto, Japan. Kasama naman si Scarlet ng kanyang Mommy Vicki Belo at Daddy Hayden Kho, Jr. na invited din sa kasal nina Vhong at Tanya.

Naniniwala si Dra. Vicki na ready nang magbalik-showbiz si John Lloyd.

I’m sure, kung papayag si John Lloyd, malaki ang maitutulong sa kanya ni Dra.Vicki kung sakaling handa na siya na muling maging active showbiz.

Magaling na artista si John Lloyd kaya hindi ito mawawalan ng puwang sa showbiz kahit dalawang taon siya na nagpahinga mula sa pag-arte.

Baka burn-out lang ang naramdaman ni John Lloyd.Imposibleng hindi niya nami-miss ang showbiz industry na sobrang naging kind sa kanya. Kung anuman ang mga tinatamasa ngayon ni John Lloyd, malaki ang kinalaman ng showbiz.

Carbon copy ni Ellen Adarna ang anak nila ni John Lloyd ang komento ng mga tao na nakakita kay Elias.

Malakas ang dugo ni Ellen dahil kamukhang-kamukha niya ang love child nila ni John Lloyd.

Kagaya ni John Lloyd, puwedeng mag-comeback sa showbiz si Ellen kung gugustuhin nito pero mukhang hindi pa siya interesado.

Can afford naman si Ellen na huwag magtrabaho o balikan ang pag-aartista dahil maayos ang pamumuhay ng pamilya niya sa Cebu. Ang duda nga ng fans, hindi masyadong seryoso si Ellen sa pag-aartista as in kuntento na siya sa takbo ng kanyang career bago siya nabuntis ni John Lloyd.

NANAY LESING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with