^

Pang Movies

Luna Awards, industry awards!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Luna Awards, industry awards!
Daniel Padilla

Bago natapos ang taon, nakahabol pa ng isang Best Actor award si Daniel Padilla. Nominated naman siya para sa pelikulang The Hows of Us sa lahat halos ng mga award giving bodies, hindi nga lang siya sinuwerte. Minsan suwerte-suwerte lang iyan eh. Mayroon nga hindi man lang nominated sa ibang award giving bodies pero biglang best actor sa isa. “Sinuwerte eh”.

Iyang panalo namang iyan ni Daniel, mukhang masasabing ok naman. Ang maganda nga lang sa award na iyan, batay iyan sa choices ng mga kasamahan nila sa industriya. Ibig sabihin siya rin ang napili ng mga kapwa niya artista na nakasama sa electoral college ng FAP. Iyang Luna Awards, iyan naman talaga ang dapat kinikilala sanang industry awards sa Pilipinas. Hindi nga lang din masyadong naasikaso in the past, at sa dami na rin ng nagbibigay ng awards, hindi na nga masyadong napansin.

In fairness, dalawang beses naming napanood iyang pelikulang The Hows of Us, una noong ipalabas sa mga sinehan, at ikalawa noong ipalabas sa cable noong isang araw lang. At sa totoo lang, naniniwala rin kaming mahusay ang performance ni Daniel bilang isang actor sa pelikulang iyon. Sa tingin nga namin mas magaling siya kaysa sa ibang mga actor na tumalo sa kanya sa ibang awards. Pero iyang awards naman ay kanya-kanyang choice talaga. Hindi mo masasabing ang nagustuhan ng isa, iyon din dapat ang magustuhan ng iba.

Kaya nga minsan may mga nananalong hindi mo inaasahan eh. Puwedeng masama ang choice ng mga pumili. Puwede rin namang nagkaroon ng ibang kunsiderasyon na hindi mo rin naman maitatago. Sa showbusiness pa ba?

James nawawala ang problema ‘pag nasa tuktok ng bundok

Maraming kuwento ngayon si James Reid tungkol sa kanyang ginagawang mountain climbing. Kung nasa itaas daw kasi siya ng bundok, ang feeling niya napakaliliit ng kanyang mga problema. Maganda naman iyan mountain climbing talaga, pero maliwanag na nagagawa niya iyon ngayon dahil wala nga siyang ginagawa.

Maski na iyong nai-announce na serye niya kasama ang isang Korean star, mukhang malabo na nga yata. Una, duda rin naman siya sa kanilang team up. Ikalawa mukhang may mga problema pa. At sa totoo lang, mala­king sugal iyon dahil hindi ka naman siguradong magki-click.

Malanding young actress kailangang ng repackage

Trending pa rin sa isang internet platform ang #MalandingBata. Akala namin naubos na ang kanilang mga kuwento na gina­gamitan ng hashtag na iyan pero hindi pa pala. May umuugong pa ring pamumuna sa young actress.

Ewan nga ba kung bakit mukhang sa tuwing makikita siya sa ngayon ng mga tao, lumalabas ang hashtag.

Mukhang hindi pa rin kumakagat ang mga ginawa nilang damage control para sa #MalandingBata. Kailangan nga siguro pag-aralan na nila kung papaano siya maire-repackage dahil kung hindi, mukhang mahirap na niyang maalpasan ang ganyang image.

Hindi na niya makuha ang suporta ng fans eh.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with