^

Pang Movies

DOT malaki ang naitulong sa SEA Games

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
DOT malaki ang naitulong sa SEA Games
Berna Romulo-Puyat

Hindi ako lumabas ng bahay noong Sabado dahil hinintay ko ang live telecast ng ope­ning ceremony ng 30th SEA Games. Kahit ano pa ang sabihin ng mga nega na Pinoy, feeling proud ako para sa mga athlete natin na lalaban sa SEA Games.

May pride ako na nararamdaman sa tuwing nakikita ko sila na lumalabas sa stage at kumakanta ng Philippine National Anthem na nakakaiyak at feel na feel na kantahin ng mga tao at athlete.

We are really a nation na win as one, sama-sama sa ligaya at kahit pa sabihin na may mga kapalpakan, basta gugustuhin, kayang-kaya natin na ipakita na we can make it.

Gusto ko ang pagtulong ng Department of Tourism ni Mama Berna Romulo-Puyat at ng kanyang kapatid na si Mons Romulo sa mga delegado ng SEA Games.

Malaking bagay ang tulong ng DOT dahil sanay na sanay na ito sa paghahanda at pag-aasikaso sa mga bisita kapag may mga malalaking event sa Pilipinas tulad ng SEA Games. Congrats Mama Berna, you really help out para maging successful ang lahat. 

Alfred consisteNT sa pagreregalo ng poinsettia!

For 12-years, poinsettia plants ang Christmas gift sa akin ni Congressman Alfred Vargas.

Tuwing December 1, imposible na walang delivery ng poinsettia plants sa bahay ko. Umagang-umaga pa lang, kumakatok na ang delivery boy para sa regalo ni Alfred.

Noong una, dahil siguro wala pang malaking budget si Alfred, labindalawa na hanging poinsettias ang ipinadadala niya sa akin.

Hanggang every year, padami nang padami at ngayon, forty hanging poinsettias na ang regalo niya.

Tuwang-tuwa ako dahil para sa akin, ang poinsettia flowers ang tunay na sign ng Pasko. Aside from Christmas wreath at pinecones, poinsettias ang gustong-gusto ko na nakikita sa bahay ko tuwing Christmas.

Ewan ko ba, kapag September hanggang January dahil marami ang puno sa Fairview, nagigising ako sa huni ng mga bird sa umaga.

Gandang-ganda ako kapag nakikita ko ang mga ibon na nasa itaas ng trees at sa hanging poinsettias ko. I feel so blessed na naririnig ko ang huni ng mga ibon.

Naiiyak ako kapag nakikita ko na nawawala na ang mga puno. Alfred’s  gift of hanging poinsettias every year makes me so happy. Parang good vibes na good vibes ako seeing the red flowers around me.

And if the number of hanging poinsettias will increase every year, patunay lang na taun-taon, umuunlad din ang pamumuhay ni Alfred kaya maligaya ako.

Congrats Alfred Vargas and thank you so much for making me so happy.

Samantala, hindi nakasali sa 45th Metro Manila Film Festival ang Tagpuan, ang pelikula ni Alfred Vargas na kinunan ang mga eksena sa Binondo, Hong Kong at New York.

Ang sabi ni Alfred, malaki ang tsansa na isali niya sa Summer Film Festival sa April 2020 ang pelikula na pinagbibidahan nila nina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Pang-film festival ang Tagpuan na mula sa script ng multi-awarded writer na si Ricky Lee pero baka palitan ang title ang pelikula na hindi tinipid at hindi dinaya ang mga eksena dahil pati ang mga indoor scene, talagang kinunan sa mga bahay sa New York at Hong Kong.

vuukle comment

BERNA ROMULO-PUYAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with