^

Pang Movies

Bianca sinusuwerte

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bianca sinusuwerte
Bianca

Nasorpresa dahil hindi talaga in-expect ni Kapuso actress Bianca Umali na siya ang napiling gumanap sa lead role ng first HBO Asia x Philippine series, ang Halfworlds Season 3.

Ang said series ay ididirek ng kilalang director na si Mikhail Red. Gagampanan ni Bianca ang role ni Alex, half-human and half Engkanto at hahanapin niya kung nasaan ang original source ng nauubos na haven plant na makapagpapagaling sa mga Engkanto na uhaw makakain ng human flesh.

Natuwa ang mga fans ni Bianca na isa pang blessing na natanggap ng young actress bago matapos ang 2019. 

Meanwhile, isa pang blessing ang natanggap na balita ni Bianca na winner ang kanyang epic serye na Sahaya ng GMA Network, sa Southeast Asian Video Festival na ginanap sa Cambodia last weekend.  Hindi man nakadalo si Bianca, tinanggap naman ang trophy ng Program Manager ng serye, si Ms. Helen Rose S. Sese. Congratulations!

Uh mamimigay ng premyo sa loyal viewers

Parang hindi makapaniwala ang mga pioneer hosts ng longest-running morning show na Unang Hirit, na magsi-celebrate na sila ng 20 years of great mornings na magsisimula ang week-long pagbibigay ng saya sa mga televiewers bukas, December 2, hanggang sa Friday, December 6.

Sina Arnold Clavio, Suzi Entrata-Abrera at Lhar Santiago ang mga pioneer hosts ng show at ngayon, kasama na nila sina Lyn Ching, Love Anover-Lianko, Susan Enriquez, Connie Sison, Ivan Mayrina, Luane Dy at ang bagong addition, si Mariz Umali na pumalit sa nag-migrate sa Canada, si Rhea Santos. 

Isinabay na rin sa mediacon ang muli nilang pagri-renew ng contract sa Unang Hirit.

Simula ngayong Lunes, December 2, marami silang ipalalabas na mga special episodes at susurpresahin sila sa pagdalo ng mga dating hosts ng show para makisaya. 

Magbibigay din sila ng special prizes tulad ng home appliances, furniture, negosyo packages at mga gadgets. Isang lucky loyal viewer ang magkakaroon ng chance na manalo ng isang brand-new house and lot.

Ang Unang Hirit ay napapanood Mondays to Fridays, 4:55 a.m. sa GMA 7.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with