^
Aiko naoperahan!

Aiko naoperahan!

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 1, 2019 - 12:00am

Masakit ang operasyon ni Aiko Melendez sa dalawang daliri niya na naapektuhan ng sobrang lakas ng pagkakasuntok niya sa punching bag last week.

Nagba-boxing kasi si Aiko at isa ‘yon sa exercises na ginagawa niya.

Inoperahan ang mga daliri ni Aiko noong Friday. Nang nag-text ako sa kanya, nagpasalamat siya sa akin ng voice mail reply.

Hindi raw kasi siya makapag-text. Ang hirap daw.

Sabi ni Aiko, tamang-tama na wala silang taping ng Prima Donnas ng GMA-7, kaya nagpa-surgery na siya. “Ang hirap. Ang sakit, kaya I’m resting. Nagpapahinga lang ako para makapag-ta­ping na uli ako sa Monday,” sabi niya sa voice mail na ipinadala sa akin.

Thankful din si Aiko sa napakaraming nagdarasal para sa agarang paggaling niya.

Isa si Aiko sa major cast ng afternoon series ng GMA-7, kaya hindi puwedeng hindi siya mag-taping.

Kadenang Ginto ngaragan na ang taping!

Katapat ng series nina Aiko ang Kadenang Ginto ng ABS-CBN.

Ang tsika, ngaragan na ang taping ng Kadenang Ginto. Hanggang sa January na lang daw sila at sobrang extended na ang series na pinagbibidahan nina Dimples Romana at Beauty Gonzales.

Dahil sa Kadenang Ginto, sobrang naging hot ng career ni Dimples.

Ang bongga-bongga na niya ngayon!

Mother Lily walang planong tigilan ang pagpo-produce

Ang Luna Awards kagabi.

Masaya ang Regal Entertainment producer na si Mother Lily Monteverde sa Lifetime Achievement award na ipinagkaloob sa kanya.

Iti-treasure raw niya ‘yon ng sobra. Sa sobrang tuwa ni Mother Lily, isinama niya ang mga apo niya sa awarding kagabi.

Sabi ni Mother Lily nang makatsikahan ko kahapon, at 80, wala pa raw siyang balak na tumigil sa pagpo-produce ng mga pelikula.

May mini mall din na bubuksan si Mother Lily sa may San Juan.

Marami pa ring mga plano si Mother Lily para sa local movie industry na makakapagbigay ng maraming trabaho sa mga taong gumagalaw sa industry na ito.

Ang pagiging sobrang concerned sa mga taga-local movie industry ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga nagmamahal kay Mother Lily!

Unbreakable magdadagdag ng mga sinehan!

Lalo pang lumalakas ang box-office gross ng Unbreakable noong Friday dahil sa word of mouth. Lahat ay nagsasabing napakaganda ng pelikula.

Sobrang saya ng mga bidang sina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Sobrang thankful sila sa mga nanood na ng Unbreakable.

Ang galing ng pagkakagawa ni Direk Mae Cruz-Alviar  at inaasahan na mas lalakas pa ang box-office gross nito today.

Kahapon, as I write this, kausap ko si Annabelle Rama na sobrang happy sa ibinalita ng mga taga-Star Cinema na ang lakas nga nito.

Actually, mas nadagdagan daw ang mga sinehan ng Unbreakable.

Ang bongga!

‘Yun na!

AIKO MELENDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with