^

Pang Movies

Best Actress sa Cairo Filmfest Juday sumunod kay Ate Guy!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Best Actress sa Cairo Filmfest Juday sumunod kay Ate Guy!
Juday

Congrats kay Judy Ann Santos dahil siya ang nag-win na best actress sa 41st Cairo International Film Festival sa Cairo, Egypt.

Sayang dahil hindi nakadalo si Judy Ann sa awards night na naganap noong Biyernes. Nawala ang chance na matanggap niya nang personal ang kanyang first international acting award.

Nanalo si Juday para sa role niya sa pelikulang Mindanao na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival.

Natatandaan ko na pinalakpakan ang trailer ng Mindanao sa presscon sa Club Filipino para sa eight official entries sa Metro Manila Film Festival 2019.

Dahil best actress winner si Juday sa Cairo International Film Festival, malakas ang laban niya sa best actress category ng Metro Manila Film Festival’s Gabi ng Parangal sa December 27.

May libreng publicities na rin ang Mindanao dahil sa award na natanggap ni Juday.

Si Judy Ann ang second Pinay na nanalo ng best actress trophy sa Cairo International Film Festival.

First ever winner si Nora Aunor para sa role nito sa 1995 movie na The Flor Contemplacion Story.

Nakakatuwa ang mga nangyayari dahil kinikilala na sa ibang mga bansa ang talento sa pag-arte ng mga Pinoy.

Sure ako na may ibang mga Pilipino na mananalo sa mga international film festival sa mga susunod na panahon na malaki ang maitutulong sa ating local movie industry.

Pasko na...

Sabi ko na nga ba mauuna ang Christmas gift basket ng mga Villar dahil sobrang competent nina Avic, Nini at Anna Mae kaya Thanksgiving pa lang, nagpadala sila ng goodies, tulad ni Kris Aquino na nabalitaan ko na parang si FPJ na rice at red envelope ang ipinamigay na early Christmas gifts.

Ngayong Pasko, mga food item ang karamihan sa mga regalo na matatanggap dahil nga ito ang pinaka- practical sa lahat at pagkain talaga ang dapat for bounty ‘di ba?

Hindi matatawaran ang pagiging competent ni Alvin ni Kris Aquino dahil inagahan din niya ang pamimigay ng gifts dahil magdiriwang ng Pasko sa ibang bansa ang pamilya ni Kris.

Pero sosyal si Avic Amarillo dahil sa gitna ng birthday celebration niya, heto at abala siya sa pagpapadala ng goodies.

Happy Birthday my dear Avic!

Twenty-eight years na tayo na friends pero hanggang ngayon, iba pa rin ang pagiging competent mo. Bongga ka talaga at honest, mas maganda ka ngayon. Love you Avic!

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with