^

Pang Movies

Engrandeng pagbubukas ng SEA Games, showbiz na showbiz

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Engrandeng pagbubukas ng SEA Games, showbiz na showbiz
SEA Games

Ngayong Saturday, November 30, ang pinakahihintay na opening ceremonies ng 30th South East Asian (SEA) Games 2019, na magaganap sa Philippine Arena in Bocaue, Bulacan. Exclusive itong mapapanood at exactly 7:00pm sa ABS-CBN.  Viewers in Asia and the rest of the world can expect ng isang magandang presentation na magha-highlight ng ating superb Filipino talents at ating contemporary Filipino culture.

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang dress rehearsal sa Philippine Arena na inorasan ng one hour and a half ang program sa four production numbers na magpapakita ng mga sayaw natin sa iba’t ibang lugar ng bansa supervised ni Ramon Obusan and his Folkloric Group kasama ang mga dance groups and squads na nagmula sa iba’t ibang colleges and universities in Metro Manila.

Ang SEA GAMES 2019 Opening ceremonies Creative Director ay si Palanca-award-winning writer Floy Quintos, kasama si Maestro Ryan Cayabyab.

Ang mga performers ay kinabibilangan nina Lani Misalucha, Christian Bautista, Aicelle Santos, Jed Madela, Elmo Magalona, KZ Tandingan, Inigo Pascual, The TNT Boys, Ana Fegi, Robert Sena, ang international rap artist na si Apl d Ap.

Ang parade of athletes ay sasamahan ng 11 Filipina title holder/beauty queen as muse ng bawat bansa na kasali sa kumpetisyon: Brunei Darussalam, Karen Gallman, Miss Intercontinental 2018; Cambodia, Sophia Senoron, Miss Multinational 2018; Indonesia, MeganYoung, Miss World 2013; Laos, Cynthia Thomalia, Miss Eco International 2018; Malaysia, Lara Quigaman, Miss International 2006; Myanmar, Karen Ibasco, Miss Earth 2017; Singapore, Jamie Herrel, Miss Earth 2014; Thailand, Angelia Ong, Miss Earth 2015; East Timos, Jannie Alipoon, Miss Tourism 2017; Vietnam, Sharifa Akeel, Miss Asia Pacific International 2018 and Philippines, Pia Wurtzbach Miss Universe 2015.

Howie binalikan ang pinasyalang isla 15 years ago

Patuloy ang pagsi-celebrate ng longest-running documentary program na I-Witness ng kanilang 20th anniversary, isa pang special episode ang mapapanood mamayang gabi, titled Mga Nunal sa Dagat, hosted by Howie Severino.

Fifteen years ago, nai-feature ni Howie ang Caubian island sa Cebu na ang mga tao roon ay namumuhay ng walang tubig na maiinom. Sa pagbalik ni Howie, may nakita siyang batang nalunod na pinipilit ng lolo na buhayin. Si Lolo Dario iyong na-meet na ni Howie nang una siyang pumunta roon.  Sa pagbalik ni Howie, may natuklasan siyang isang isla sa tabi ng Caubian na mas malaki, mas mapuno at halos wala pang naninirahan, ito kaya ang sagot sa problema ng mga taga-Caubian? Sasagutin din ni Howie kung ano ang nangyari sa batang sinagip ni Lolo Dario.

Mapapanood ang Mga Nunal sa Dagat sa GMA 7 tonight after ng Studio 7.

Alden tuhog sa taping para makabakasyon

Halos walang pahinga si Alden Richards sa pagti-taping ng The Gift bilang paghahanda sa Christmas break ng iba ring cast ng inspirational drama series. Araw-araw silang nagti-taping para may nakabangko silang episodes, hanggang sa pagbalik nila.

Sa South Korea ipinangako ni Alden na pupunta sila ng kanyang pamilya. Doon sila magpa-Pasko at kailangang makabalik siya ng December 27 para mag-resume ng taping.

vuukle comment

30TH SOUTH EAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with