^

Pang Movies

Kasal ni Vhong long over due na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kasal ni Vhong long over due na!
Vhong & Tanya
Jugs Jugueta

Finally, pinakasalan na rin ni Vhong Na­varro ang matagal na niyang girlfriend na si Tanya Winona Bautista. Writer si Tanya sa ABS-CBN din at kung natatandaan namin nang tama, una naming narinig ang kanyang pangalan at ang kanyang relasyon kay Vhong noong magkaroon sila ng gulo ni Cedric Lee dahil kay Deniece Cornejo.

Sa Japan nagpakasal ang dalawa, at iyon ang dahilan kung bakit nag-tape na sila ng ilang episodes ng kanilang noontime show dahil pupunta sila sa big day ni Vhong.

Bale iyan na ang ikalawang pagpapakasal ni Vhong, nauna riyan pinakasalan din niya ang female star na si Bianca Lapus, at nagkaroon sila ng isang anak, si Isaiah, na l9 na taong gulang na ngayon.

Nagkahiwalay sina Bianca at Vhong at nakakuha nga ng annulment ng kanilang kasal. May asawa na rin si Bianca ngayon, ikinasal na siya kay Jimmy Velasquez, kung kanino naman siya may tatlong anak na puro lalaki rin.

Walang naging problema sa kasal ni Vhong, after all sinasabi ngang halos sampung taon na ang kanilang relasyon. Panahon na nga naman para sila magsimula ng sarili nilang pamilya.

Siguro nga kailangan din naman ni Vhong ng panibagong inspiras­yon, at baka iyan ngang pagkakaroon niya ng panibagong pamilya ang kailangan.

Ngayon medyo matamlay din ang movie career ni Vhong dahil siguro sa ilang mga maling project na nagawa niya. Mabuti na lang at maganda naman ang standing niya sa TV shows niya. Pero sa totoo lang malaking bagay na mag-aasawa na siya ulit.

Vice ganda at Ion malabong magka-forever?!

Umaasa pala si Vice Ganda na ang kanilang relasyon ng sinasabi niyang boyfriend sa ngayon ay panghabang-buhay na. Pero naguguluhan kami riyan eh, kasi kung natatandaan ninyo, ilang buwan lang ang nakararaan, sinabi niyang si Ion Perez na hindi naman totoo ang kanilang relasyon. Ewan nga lang kung bakit biglang nagkaroon ng pagbabago at naging magsyota na sila.

Ang pagiging forever ng ganyang relasyon, mukhang malabo pa rin naman. Unang-una wala namang kasal ng same-sex dito sa Pilipinas, kaya ibig sabihin hindi sila magkakaroon ng legal bond.

Kung iyong mag-asawa nagkakahiwalay pa eh, iyan pang ganyang relasyon?

Female star sakay na sakay sa kikiam issue!

Todo react ang isang female star sa mga usapan tungkol sa Kikiam. Pati iyong usapang kikiam lang naman talaga ay wala namang kinalaman sa SEA Games, nagre-react siya. Kung makabayan ka raw huwag ka nang babanggit ng kikiam.

Ano ba naman ang masama roon, lumabas ka ng kalye malamang sa hindi may ma­kita kang nagtitinda ng kikiam sa kanto, at marami ang bumibili. Masyado naman silang sensitive na mabanggit lang ang kikiam nanggagalaiti na.

Ang dami nilang paliwanag tungkol sa kikiam, Chicken sausage daw iyon kaya lang iniba ang pagkakaluto kaya nagmukhang kikiam.

Sige na nga basta kami kumakain kami ng Kikiam. Masarap iyan sa isang restaurant sa Binondo.

Iyong isa nasa Carvajal St., at ang isa nasa Yuchengco St. naman.

vuukle comment

TANYA WINONA BAUTISTA

VHONG NA­VARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with