^

Pang Movies

Bea klinaro ang relasyon kay Dominic

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Bea klinaro ang relasyon kay Dominic
Dominic

So, may denial na rin pala si Bea Alonzo sa tsikang may “something romantic” sa kanilang dalawa ni Dominic Roque.

Sinabi nga ni Bea na kaya lang nali-link sa kanya si Dominic ay dahil pareho silang single.

Noon pa nga raw close sa kanya ang hunk actor.

So, tama pala ang tsika ng close ko na sina Richard Gutierrez at Ian Veneracion na hindi siya ang dinalaw ni Dominic sa shooting ng Unbreakable movie.

Alam ko, parehong miyembro ng isang motorcycle club si Dominique at ang male lead ng Unbreakable.

Oh, ayan, malinaw na, huh!

Malinaw rin ang sinabi ni Bea na single pa siya!

Anyway, masaya si Bea sa box-office success ng Unbreakable.

Masaya rin siya sa positive feedback sa pelikula.

Ang ganda nga kasi ng Unbreakable!

Raymond at Sarah may date sa Unbreakable

May nagtanong sa akin sa pa-block screening ko ng Unbrea­kable sa Podium Director’s Club Cinema noong Wednesday evening.

Bakit wala raw si Raymond Gutierrez? Nasa Hong Kong pa kasi at may trabaho siya roon.

Pero nang maka-text ko siya kahapon ay sinabing mano­nood siya mamaya ng Unbreakable.

Bale movie date raw nilang dalawa ng soon-to-be sister-in-law niyang si Sarah Lahbati.

Usapan na raw nila ni Sarah ‘yun.

Nice!

Karla malapit nang pakasalan ng BF?!

Alam mo, Ateng Salve, maging ang mga kaibigan ni Karla Estrada ay naniniwalang sa kasalan na ang ending nila ng boyfriend na si Jam Ignacio.

Feeling ng marami ay malapit na ring mag-propose si Jam kay Karla. Actually, kahit ang mga fan, tanggap naman si Jam for Karla.

Maging ang mga fan ni Daniel Padilla, aba, parang walang kontra sa lovelife ng Queen Mother, huh!

So, parang naririnig ko na ang wedding bells ngayon pa lang, ‘noh?!

Tiyak nga pala na sa mga interview ni Daniel ay matatanong na ang aktor tungkol sa boyfriend ng kanyang nanay!

Underage may reunion…

Ang plug shoot noong Wednesday ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ng GMA-7.

Kasama sa mga kinunan sina Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Ka-text ko kahapon si Snooky at sobrang excited na siya sa pagsisimula ng taping nila.

At least, magkakatrabaho na silang dalawa ni Dina.

In the near future kaya ay makakasama na rin nila si Maricel Soriano like in their movies before sa Regal Films?

Sana nga dahil wish ‘yon ng kanilang mga fan.

Na magkaroon ng reunion project ang original Underage stars.

Type mo rin ba na magsama uli sa isang project, Ateng Salve?

‘Yun na!

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with