^

Pang Movies

Tatay ni Jessy gusto na ring magka-apo!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Na-meet na pala last year lang Salve A., ni Luis Manzano ang Bahrain-based dad ni Jessy Mendiola na si Roger Tawile, at prangkahan daw na sinabi nito na gusto niya si Luis and that he would welcome him for a son-in-law and as the father of his mga magiging apo.

Wow, could this be the reason why even daw without fellow co-host and friend ni Luis na si Billy Crawford ribbing na mag-asawa na ito? Luis seems eager na raw to propose kay Jessy?

Billy is happily married na for two years sa asawang si Coleen Garcia.

In fairness kay Luis, who is 38, gusto niya na talagang magpakasal, except daw kay Jessy who thinks at 26, she is still too young to be a housewife.

Meanwhile, Luis is currently in two shows kung saan host siya ng I Can See Your Voice at Your Moment with Vhong Navarro.

He and Vhong are also seen Saturdays sa Home Sweetie Home: Extra Sweet kasama sina Toni at Alex Gonzaga, Rio Locsin, Carmi Martin at Bayani Agbayani.

Jameson nagka-career kahit natalo sa PBB

Jameson Blake plays leading man ni Julia Barretto sa darating na episode ng Maalaala Mo Kaya na ipapalabas sa Sabado.

It’s his second time to play a dramatic role, nauna na siyang napanood sa seryeng Ngayon At Kailanman nina Julia at Joshua Garcia.

Laking Hong Kong si Jameson na nasali sa isang edition ng Pinoy Big Brother (PBB). ‘Di man siya pinalad na maging champion, nabuksan naman ang pintuan ng showbiz for him.

Richard nagalingan kina Bea at Angelica

While working as a contract talent palang noon ng GMA-7, dream daw ni Richard Gutierrez na makatrabaho sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo, na ‘di raw niya inexpect na puwede palang mangyari nang mapunta na siya sa ABS-CBN.

Is Richard overwhelmed that he has both Bea at Angelica for his co-stars sa pelikula nilang Unbreakable na idinirek ni Mae Cruz-Alviar?

Pareho rin siyang may love scenes with both actresses.

Asked who between the two is the better actress, Bea or Angelica? Richard’s quick reply: “I’d rather not comment, saludo ako pareho sa kanila when it comes to perfoman­ces. Pareho silang magaling, napakagaling.”

Which is why he is grateful daw that he has Bea for his leading lady again in his new series.

Sana raw, next time ay si Angelica naman ang solo niyang makapareha.

Roxanne alanganin ang role 

This year was both sad and lucky for Roxanne Barcelo.

Last June, her dad who was vacationing in the U.S. with her mom, died. Nadulas daw ito sa banyo at nabagok ang ulo.

Sa nerbiyos daw siguro ay inatake ito at binawian ng buhay.

So far, Roxanne has done two films na pareho nang naipalabas.

She was in the Panti Sisters bilang best friend ni Paolo Ballesteros. Kasama rin niya sa nasabing pelikula si Martin del Rosario at Christian Bables na talaga namang kumita rin ng malaki sa takilya.

Balita nga raw na magkakaroon pa ito ng sequel.

She was also in the Art Of Ligaw, topbilled by singer KZ Tandingan and Epy Quizon. Lesbian ang role niya roon.

Now, sa ipapalabas palang na pelikulang Love Is Love, former man naman ang kanyang role na nagpa-transplant para maging isang babae.

Bakit parang alanganin naman ata ang role na ginagampanan niya?

“Ako man ay nagtataka, but a role is still a role, no matter what it is, besides, hindi ba nakaka-challenge ang ganitong mga role? Kaya okay lang,” sagot ni Roxanne.

Vhong at asawa walang honeymoon!

Kakatapos lang ng kasal kahapon ni Vhong Navarro sa kanyang long-time girlfriend na si Tanya Bautista. Ginanap ito sa Kyoto, Japan.

Nasaksihan ito ng kanyang It’s Showtime co-hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Kim Atienza at Anne Curtis.

Ninong at ninang sina Direk Chito Roño na talent manager ni Vhong at Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde.

No honeymoon pa raw ang bagong kasal, since maraming commitment si Vhong. He has taping sa Home Sweetie… at may ginagawa rin siyang movie, ang Mang Kepweng at Ang Babaeng Nakablusang Itim.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with