Showtime family kumpleto para kina Vhong at Tanya
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 29, 2019 - 12:00am

Kalurky si Chito Roño. Ang sabi niya raw, ngayon pa lang ang kasal nina Vhong Navarro at Tanya Winona Bautista pero tama pala ang mga report na kahapon ang pag-iisang dibdib ng kanyang alaga at ng misis nito.

Full support ang It’s Showtime co-hosts ni Vhong, sina Vice Ganda at Ion Perez, Billy Crawford, Karylle at Anne Curtis sa ginanap na kasalan. Siyempre, kasama nina Billy, Karylle at Anne ang kanilang mga real-life partner.

Dahil kabilang si Dra. Vicki Belo sa mga ninang, kasama niya siyempre sa Japan ang kanyang mister na si Hayden Kho, Jr.

Principal sponsors din sina Edgar Mortiz, Lauren Dyogi, Cory Vidanes, Bobet Vidanes, Ruel Bayani, Kim Atienza, Olive Lamasan at Roselle Monteverde.

Secondary sponsors sina Ryan Bang, Jhong Hilario, Meynard Marcellano, Zanjoe Marudo, Piolo Pascual at Arwind Santos.

May mga nagsabi sa akin na dumalo rin si Angel Locsin at ang fiancé nito na si Neil Arce.

Tunay na kaibigan din ni Vhong si John Lloyd Cruz dahil lumipad ito sa Kyoto para dumalo sa kasal niya.

Ayon sa mga report, ginanap ang small wedding nina Vhong at Tanya sa isang chapel sa Kyoto. Congrats Vhong and Tanya!

John Lloyd visible na

May feeling ako na magbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz sa 2020 dahil unti-unti na siyang nagiging visible.

Hindi katulad noon na talagang mailap siya at hindi nagpapakita sa mga showbiz event.

Magaling na artista si John Lloyd kaya walang reason para hindi siya makabalik. Lucky nga siya dahil hinihintay lamang ng ABS-CBN ang kanyang desisyon na maging active uli.

Paskong-pasko na nga…

Talagang start na ng Christmas, Salve. Ang una nating invitation for Christmas lunch, nanggaling sa BFF natin na si Marivic Larrazabal na kahit may jetlag pa dahil kararating lang from Spain, buong ningning na nag-invite for lunch kahapon dahil alam nga niya na magiging hectic na ang mga schedule sa dami ng mga pupuntahan na social activities in the coming days.

Nandiyan ang contract signing ni Boy Abunda for AMA, ang lunch natin sa Kamiseta ni Cris Roque, sa MegaSoft ni Aileen Go at kahit busy si Rubby Coyuito ng Flawless, gusto pa rin niya  na makipag-meeting at lunch, si Dra. Vicki Belo, Joey Santos ng House of Obagi, at siyempre pa ang mga presscon ng mga pelikula na kasali sa 45th Metro Manila Film Festival.

Hay naku, sure ako, mahilo-hilo na naman tayo sa lagare na buti na lang, lahat ng affairs sa Quezon City or else, ngarag ka talaga sa pagpunta sa kabi-kabilang lunch at merienda.

Happy season talaga ang Pasko at dahil buena mano si Marivic Larrazabal na Thanksgiving Day pa lang, meron nang Christmas lunch, palagay ko we will have a Merry happy Pasko talaga.

TANYA WINONA BAUTISTA VHONG NAVARRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with