^

Pang Movies

Mariz Umali hindi na nagreklamo sa maling ID sa SEA Games

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Mariz Umali hindi na nagreklamo sa maling ID sa SEA Games
Mariz

Nagulat na natawa na lamang si Mariz Umali nang makita nila ng asawang si Raffy Tima ang pagkakamali sa ibinigay na ID nila para sa pagko-cover nila ng SEA Games 2019. 

Napaghalo ang pangalan nila na Raffy Tima at Mariz Tima pero parehong pictures ni Raffy ang nasa dalawang ID. “Nagulat ako na natawa, pero hindi natawa para pagtawanan sila kaya lang nung makita ko yun, biniro ko si Raffy na ‘grabe mahal talagang conjugal tayo sa lahat ng bagay,” kuwento ni Mariz sa mediacon nila ng Unang Hirit hosts sa pagsi-celebrate nila ng 20th anniversary ng number one morning show.  “Pero bukod sa pagpu-post ni Raffy sa social media ng ID, hindi na kami gumawa ng aksyon para tawagan sila, siguro ay makikita na nila ang mali, ang gusto lamang namin papasukin nila kami kapag magko-cover na kami.”

Nag-react din si Mariz sa kikiam breakfast daw na ipinakain sa delegates. Favorite daw kasi niyang meryenda ang kikiam at squidballs lalo na kung nasa field siya at wala siyang time para kumain sa restaurant, okey na sa kanya ang street foods na merienda. Pero sa breakfast, ang favorite daw niya ay bangusilog.

Sa Monday, December 2 na magsisimula ang celebration nila ng Unang Hirit. 

May special treat sila na special episodes and surprises kasama ang mga dating hosts para makisaya sa kanila. May special prizes din sila sa viewers bilang pasasalamat sa kanilang pagtangkilik sa show na nagsisimula ng 4:55 AM.

Apl.de.Ap nag-enjoy sa ginawang torch run

Proud at nag-enjoy ang Kapampangan at international singer na si Apl.de.Ap, nang mag-volunteer siya to do the torch run nang sindihan ito sa Angeles City sa pagsisimula ng 30th SEA Games. “I can’t be more excited that my home is hosting the event! Thank you to everyone who came out and supported this historic event,” sabi ni Apl.de.Ap sa media na nakausap siya after the dress rehearsal sa Philippine Arena last Tuesday evening.

Masaya si Apl.de.Ap na mabilis ang pagbabago ng Mt. Pinatubo, kaya may mga plano siya para lalong umunlad ito at gawin Green City ang Clark.

May balak ba si Apl.de.Ap na makipag-collaborate sa young singers, sa new generations or millennials natin dito sa bansa. Nagkaroon na raw siya ng collaboration kay KZ Tandingan at nakausap na rin niya si James Reid.

Napangiti si Apl d Ap nang tanungin kung sakaling sasali siya sa SEA Games, anong sport ang sasalihan niya?

“I love boxing,” at natawa si Apl.de.Ap.

Panoorin ang kabuuan ng opening ceremonies ng SEA Games 2019 sa Saturday evening, exactly at 7:00 PM sa ABS-CBN, Channel 2.

vuukle comment

MARIZ UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with