^

Pang Movies

Unbreakable kaliwa’t kanan ang block screening!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Unbreakable kaliwa�t kanan ang block screening!
Unbreakable

Ang opening day kahapon ng Unbreakable movie nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Nagkaroon muna ng bloggers conference ang cast at naghiwa-hiwalay na sila.

Si Bea, nagpunta ng Gateway, si Angelica may Fisher Mall at nag-Trinoma si Richard.

Sa Podium na kami nagkita ni Richard na sobrang happy dahil maganda ang reception ng mga nanood sa Trinoma.

Medyo na-missed din daw niya ang ganoong theater tour.

“Mamaya kasi, marami pa kaming pupuntahan. Hiwa-hiwalay nga kami nina Bea at Angelica, pero ang saya. Hindi rin kasi namin kayang puntahan lahat ng may pa-block screenings. Ako pa lang, nine na ang pinuntahan ko,” sey ni Richard.

Sobrang aga rin nina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez sa pa-block screening ko sa Podium na tinapatan ng tatlo pang block screenings na courtesy naman ng NuEssence na product endorsement nina Richard at Sarah Lahbati.

Naku, Ateng Salve, sayang late ka sa block screening ko dahil nag-sponsor ang Daiesumi Digital Café kaya ang entertainment press na maagang duma­ting ay doon na kumain.

Salamat nga pala sa lahat ng mga kasamahan natin sa entertainment press, Ateng Salve, na sumuporta sa pa-block screening ko.

Ang bongga! TV shows sa TV5 inaabangan na!

Nakita ko kahapon si Direk Perci Intalan na nasa Podium din.

Tsinika namin si Direk Perci dahil mabubuhay na nga ang entertainment department ng TV5.

Sabi ni Perci, hindi naman siya ang maghe-head uli ng entertainment department.

Consultant lang daw. Pero marami na ang excited sa mga magiging show ng TV5.

Anu-ano kaya ‘yon?

Naku, ayaw pang sabihin ni Perci.

Pamilya ni Sarah ‘di pa alam kung makakapunta sa kasal nila ni Matteo sa Italy?!

Naku, pinag-uusapan ang sinasabing nalalapit na raw na pagpapakasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Tama ba na sa Italy magaganap ‘yon? Darating kaya ang pamilya ni Sarah?Well...

Pero ang maganda, masaya ang mga fan sa tsikang magpapakasal na nga sina Sarah at Matteo, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

UNBREAKABLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with