^

Pang Movies

Nakagat na nga Kim inakusahan pa ng dog shaming!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nakagat na nga Kim inakusahan pa ng dog shaming!
Kim

May nakakatawang kuwento, sa pamamasyal sa BGC, may nakita si Kim Chiu na isang cute na aso. Natuwa siya, nilaro niya ang aso. Kaso kinagat siya. Nag-panic din sila dahil sa nangyari, isinugod siya sa ER ng isang ospital kung saan binigyan siya ng anti rabies shots. Nagsiguro siya dahil hindi naman nila kilala kung sino ang may-ari ng aso, at hindi nila maoobserbahan iyon.

Hindi naman lahat ng aso may rabies. Kung talagang alaga iyan at responsible ang may-ari, siguradong kumpleto ang aso sa shots.

Usually taun-taon na binibigyan ng anti rabies shots ang isang aso. Meron pa ngang responsible owners na kung pabigyan ng anti rabies shots ang aso nila ay every six months para mas sigurado.

Iyang pagpapa-iniksiyon sa aso, hindi lang para matiyak na ligtas kung sino man ang makakagat niya. Kailangan din iyon ng aso dahil halimbawa makagat siya ng kapwa niya aso, protektado rin siya sa rabies. Pero dahil hindi nga alam nina Kim ang background ng aso, minabuti na niyang magpalagay ng anti rabies shots.

Maliwanag na ang aso ay walang tali nang makagat si Kim Chiu. Kung iyan ay alaga, ibig sabihin naroroon lamang sa malapit ang dog owner. Kung responsible iyon, dapat nakialam naman siya dahil nakakagat ang aso niya. Pero walang ganung kuwento.

Ang BGC, napansin din namin, hindi lang aso ang pakalat-kalat diyan, pati mga pusa. Ang pusa mas matindi ang rabies niyan kesa sa aso. Hindi nga namin alam kung bakit masyado yata silang animal friendly na pinababayaan nilang gumala sa lugar na iyon ang mga iyan.

Ang mas nakakatawa, kinunan ng picture ni Kim Chiu ang asong kumagat sa kanya, at inilagay iyon sa kanyang social media account.

Ngayon marami pa ang nagagalit sa kanya, dahil ang ginawa raw niya ay “dog shaming”.

Ano ba naman iyan?

Lea hindi mapapantayan ng kapalit

Maaga pa ha, sinabi na ni Lea Salonga na wala siya sa opening ng SEA Games sa Sabado dahil kailangan na niyang magpunta sa Singapore para sa run doon ng Sweeney Todd. Ibig sabihin, hindi si Lea ang kakanta ng theme song ng SEA Games sa opening.

Siguro alam naman nila iyan, kaya hindi naman nila sinasabi na kasali si Lea sa performers sa opening ceremonies ng games. Kaya lang, sobra ang kanilang drumbeating na si Lea ang kumanta ng theme song ng games, ngayon sino man ang kumanta niyan lalabas na wala nang kuwenta. Kasi parang natanim sa isipan ng mga tao na si Lea ang kumanta niyan eh.

Kung sino man ang kakanta ngayon, sasabihing kumanta lang ng isang cover version, or worst, sasabihin pang impersonator ni Lea.

Natakot ba si Lea na mapakain din ng itlog at kikiam sa opening ng SEA Games?

Kikiam na pinakain sa mga atleta, hindi mukhang sosyal

Nabanggit na rin lang iyang Kikiam, alam mo ba Tita Salve na favorite ko iyan, pero masarap lang talaga iyan sa isang restaurant diyan sa Carvajal Street sa Binondo. Mayroon pang isang kilalang restaurant na sumikat din sa Kikiam, nandoon din sa Binondo, sa Yuchengco Street.

Iyong ipinakain doon sa athletes, hindi mukhang kikiam na gawa doon sa sinasabi na­ming restaurants. Mukhang ordinary kikiam lang iyon, kasi iyong hitsura eh.

Usually iyong mga kikiam na ganoon kalalaki, ‘yan ang nabibili mong mga naka-plastic, na talagang street food. Hindi naman siguro kagaya noong itinitindang kasama ng fishball, pero hindi siya mukhang sosyal na kikiam.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with