^

Pang Movies

Snooky nasobrahan naman ng aga sa taping

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Snooky nasobrahan naman ng aga sa taping
Snooky

Alam mo, Ateng Salve, in my almost 33 years sa showbiz, isa ang former Regal baby na si Snooky Serna sa pinaka-love ko.

Palagi kong sinasabi na si Snooky ang first big star noong 80’s na naging close sa akin.

At kahit noong i-manage ni Annabelle Rama si Snooky at kailangan ko pa talaga siyang bantayan at ihatid noon sa set ng Captain Barbell ni Richard Gutierrez, still, hindi ako nairita sa kanya.

That time, “matigas” pa rin ang ulo ni Snooky, kaya naman may mga pagkakataon na ina-advance ko pa ang call time niya na kadalasan ay two hours na mas maaga kesa sa ibinibigay ng production.

Naloka nga si Snooky sa isang taping ng Magpakailanman dahil dumating siya ng 5:00AM sa location kahit na 8:00AM talaga ang call time niya.

Pero in fairness to her, natawa na lang siya imbes na magalit dahil alam naman niya na ginagawa namin ‘yon sa kanya para magmukha siyang sobrang professional na after a while ay naging habit na nga niya na maging maaga palagi sa work.

At kahit nga nawala na rin sa amin si Snooky, nanatili pa rin ang friendship namin at publicist pa rin niya ako dahil sa manager niyang si Leo Dominguez.

At sa totoo lang, Ateng Salve, kahit ano pa ang sabihin ng iba about Snooky, isa pa rin naman siya sa pinaka-sincere na artistang nakilala ko kahit pa nga minsan ay parang “binobola” ka na niya to please you.

Si Snooky ‘yung tipong kahit anong oras mo siya tawagan, sasagutin ka niya at kung may missed call ka ay magre-return call siya, huh!

Kahapon nga ay nag-text sa akin si Snooky para sabi­hing hindi siya makakapanood ng pa-block screening ko for Unbreakable dahil may work siya today, pero babawi raw siya. “Labas naman tayo. Coffee tayo,” sey ni Snooky.

Annabelle mag-iikot din sa mga sinehan

Speaking of Unbreakable movie, tuwang-tuwa si Tita Annabelle at Graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang Star Cinema movie nina Richard, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Alam mo, Ateng Salve, hindi na ako nakapunta sa premiere night kahapon ng Unbreakable sa cinema 1 ng SM Megamall dahil nga may pa-block screening ako mamaya sa Podium Director’s Club Cinema.

Siyempre, ang mga fan, talagang tumitili kapag ganyang premiere night, kaya better na mapanood ko ang Unbreakable sa block screening na lang mamaya.

Tinanong ko nga pala si Tita Annabelle kung ilang seats ang ire-reserve ko for her, pero pupunta lang pala siya sa Podium para samahan si Richard, pero lilipat din sila sa ibang mga sinehan para sa iba pang block screenings.

Actually, 3:00PM pa lang ay nasa Trinoma na si Richard at after ay deretso ng SM Megamall at saka mag-Podium para sa four block screenings doon at may Power Plant Mall pa sa Rockwell at mag-S Maison din sila sa may SM MOA.

Super late na nga sila aabutin sa paglilibot sa iba’t ibang block screenings, kaya sasamahan na nga ni Tita Annabelle si Richard.

Si Eddie Gutierrez naman, hindi rin makakapunta sa Podium dahil may taping naman.

Nagsimula na kasi si Tito Eddie sa taping ng series ng LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Bongga!

Cindy natipuhan ng super rich guy!

Sabi ni Ruffa Gutierrez sa akin, isasama niya si Cindy Miranda sa pa-block screening ko ng Unbreakable mamaya.

Naku, uusisahin ko talaga si Cindy sa tsikang may isang ultra-rich na nagkagusto sa kanya.

Mismong si Cindy nga raw ay nagulat dahil sa isang bagay na gustong iregalo sa kanya ng guy na ‘yon.

Gonna ask Cindy muna at saka ko isusulat kung ako ‘yon, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with