^

Pang Movies

Lea idinadawit sa batikos sa SEA Games!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Lea idinadawit sa batikos sa SEA Games!
Lea

Pinatotohanan ng broadcast journalist na si Gretchen Fullido na August or September pa nagsabi si Lea Salonga na hindi niya makakanta ang theme song ng Southeast Asian Games na We Win As One sa opening rites nito ngayong Sabado, November 30.

Ayon sa tweet ni Gretchen, ang musical play na Sweeney Todd na may run sa Singapore ang rason ng Broadway superstar ng unavailability niya.

Naglabas kasi si Lea sa kanyang Twitter na hindi siya makaka-perform.

Marami ang nagulat dahil pride siya ng Pilipinas, huh!

Naku, huwag nang isama sa mga batikos si Lea dahil kapag tumugon siya sa isang commitment eh talagang tinutupad niya.

Remember ‘yung insidenteng nabalian siya at may commitment?

Pumunta pa rin siya sa engagement niya kahit na naka-wheel chair, huh!

Sa totoo lang, sentro ngayon ng batikos ang ibinabato sa organizers ng SEA Games. Kasisimula pa lang ng ibang laro, huh!

Kesa bumira, suportahan na lang natin ang ating kababayang atleta na kabilang sa SEA Games. Sabi nga ni Agot Isidro, panagutin na lang ang may kasalanan pagkatapos ng SEA Games!

Sigaw nga ni AiAi de las Alas sa kanyang Instagram, “Sa kabila ng aberya, Laban, Pilipinas!”

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with