^

Pang Movies

KC kinagagalitan sa pag-upo sa bigas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KC kinagagalitan sa pag-upo sa bigas
KC

Para sa haters ni KC Concepcion, wala nang ginawang tama sa kanila ang dalaga at ang bagong kasalanan ni KC sa kanila ay ang pinost nitong photo na nakaupo siya sa ibabaw ng sako ng bigas. Hindi raw tama na nakaupo siya sa bigas dahil blessings ito at kinakain natin.

Ipinagtanggol si KC ng kanyang followers dahil wala naman daw masama sa ginawa niya at hindi lang siya ang umuupo sa sako ng bigas. Paano raw ‘yung ibang tao na umuupo sa sako ng bigas, mali rin ang ginagawa nila? Katuwiran nang pumuna kay KC, kasabihan ‘yun na dapat sundin.

Nakakatawa lang ang palitan ng argumento ng kampi kay KC at kampi sa nagpayo sa kanyang ‘wag umupo sa sako ng bigas. Nalaman tuloy namin na sa Japan, ipinagbabawal din ang pag-upo sa sako ng bigas.

Anyway, hinihintay na ng fans ni KC ang nabanggit nitong “something is up my slit! I mean, sleeve! Big announcement coming soon.” 

Dali-dalian na raw ni KC ang announcement dahil matagal na silang naghihintay ng bago niyang project.

AiAi pinatitigil sa The Clash...

Galit kina Lani Misalucha at AiAi delas Alas ang supporters ng clasher na si Sassa Dagdag dahil hindi ibinoto ng dalawa ang 17-year-old singer dahilan kung bakit natanggal siya sa singing competition. Si Christian Bautista lang sa three judges ang bumoto kay Sassa.

Sa sobrang galit ng supporters ni Sassa kay AiAi, pinagre-resign nila ito sa showbiz at may nag-comment pang sa comedy at sa pag-arte na lang siya mag-concentrate at ‘wag nang mag-judge sa singing competition.

Ayaw makabasa ng negative ni Ai-Ai kaya disabled ang comment box sa kanyang Instagram (IG).

As for Lani, open pa rin ang comment box nito, kaya naiparating sa kanya ang disappointment ng supporters ni Sassa at dahil sa ginawa nila ni AiAi, hindi na raw sila manonood ng The Clash.

Kahit nakiusap na si Sassa na ‘wag i-bash sina Ai-Ai at Lani, ayaw silang papigil dahil sa disappointment.

Binata nina Jomari at Aiko, may girlfriend na

May girlfriend na pala ang anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez na si Andre Yllana at ang former live-in partner ni Jomari ang nagtsika nito. Naka-post sa Instagram (IG) ni Joy Reyes ang photo nila kasama si Andre at ang sinabi nitong GF ni Andre. Post ni Joy: “My baby Boyboy is really a grown up now... He brought his cutie girlfriend, Jenelle, to meet Tita Joy & his baby brothers.”

Close pala si Andre sa stepmom niya at dumadalaw ito sa bahay nila ni Jomari. Kaya lang, hiwalay na pala sina Jomari at Joy, na-blind item ang tungkol dito at kinumpirma ni Joy.

Sabi ni Joy, iniwan sila ni Jomari (pati ang dalawa nilang anak) at ipinagpalit daw sila sa ibang babae. Curious kami sa nabanggit ni Joy na may galit sa kanya ang side ni Jomari gayung ito ang may atraso sa kanya.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with