^

Pang Movies

Katrina nabuhay noon ang pamilya sa pagkanta

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Katrina nabuhay noon ang pamilya sa pagkanta
Katrina

Sa Friday, November 29, ang second major concert for this year ni Katrina Velarde, titled SiKati2 na sa New Frontier Theater, 8:00 pm. 

Matatandaan na ang first major concert ay naganap lamang noong February, 2019 titled SiKatAko at nasundan agad ito after nine months.

Thankful si Katrina Velarde, na nakilala sa tawag na Suklay Diva kay Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment, sa pagtitiwala sa kanya, hindi niya iyon in-expect.

Tulad nang hindi siya makapaniwala kung paano siya nabuhay sa kasasali sa mga singing contests noon sa iba’t ibang probinsiya.

“Naging bread and butter ng pamilya ko noon ang pagsali ko sa mga singing contests,” kuwento ni Katrina. “Nakapag-aral ako sa pamamagitan nito, kaya kahit halos patayan ang pagkanta ko na palipat-lipat kami kung saan may singing contests, kinakaya ko iyon hindi ako halos umuuwi ng bahay. Sa pamamagitan din po noon, nakaalis kami sa bahay namin sa slum area sa Tondo na ang ilalim ay creek.”

Noong preggy siya sa three-year old son niya, nagkaroon siya ng Bell’s Palsy sa right side ng face niya na kung mapapansin daw ay hindi pa siya totally healed.

“May times po na kapag kumakanta ako, tuma­tabingi ang face ko, salamat na po lamang na hindi naapektuhan ang boses ko, ang naapektuhan noon ang pagkain ko dahil walang panlasa ang dila (tongue) ko na kasama sa naapektuhan ng sakit ko. After two months na isilang ko ang baby ko, bumalik na ako sa pagkanta habang nagti-therapy ako.”

Special guests niya sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan. 

Nag-try pala silang i-guest ang favorite singer niyang si Lani Misalucha pero may conflict na sa schedule nito. Biniro si Katrina na malay niya, baka tulad sa first major concert niya, hind rin nila na-invite si Asia’s Songbird Regine Velasquez pero sinurpresa siya nang bigla itong nag-appear sa concert.

Maiinit na eksena nina Jeric at Sheryl kinaiinggitan!

Sa GMA Afternoon Prime na Magkaagaw, may mga naiinggit kay Jeric Gonzales sa mga eksena niya kay Sheryl Cruz, pero siyempre may naiinggit din kay Sheryl sa mga eksena nila ni Jeric. 

May love scenes sina Veron at Jio (Klea Pineda) habang nasa opisina sila, at nagkaroon din nang na-stranded sila sa isang isla na naaksidente si Jio sa pagliligtas kay Veron, kaya naman ginawa niya ang lahat para mailigtas si Jio. After that, hinahanap na ni Jio ang pag-aalaga sa kanya ni Veron.

Ang Magkaagaw ay napapanood Mondays to Saturdays after ng Eat Bulaga.

vuukle comment

KATRINA VELARDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with