^

Pang Movies

Jomari nireklamo ng live-in partner!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jomari nireklamo ng live-in partner!
Jomari

Nagsimula lang iyon sa mga bulu­ngan, at ngayon lumabas na ang dating syota ni Jomari Yllana na si Joy Reyes, at sinasabing iniwan na raw siya ng aktor, ganun din ang dalawa nilang anak. Ni wala umanong usapan kung susustentuhan ba ni Jomari ang mga anak niya kay Joy o hindi. 

Matatandaang ang bunso nilang anak ay ipinanganak ilang buwan pa lamang ang nakakaraan.

Mabigat din ang akusasyong ginawa ni Joy sa kanyang social media account. Sinabi niyang may third party, at iyon ay mas matanda kesa sa kanya, pero binanggit din niyang iyon ay “mapera”. 

May binabanggit din si Joy na naging problema nila, pero hindi siya nagdetalye kung ano iyon. Basta ang pinalalabas niya ay wala siyang kasalanan.

Diretsa rin niyang sinabi na walang respeto si Jomari sa kanya at sa kanilang mga anak.

Ang nakita nating iyan ay side lamang ni Joy Reyes, hindi pa naman nagbibigay ng official statement si Jomari tungkol sa mga bagay na iyan. Ni hindi nga niya sinasabing hiniwalayan na niya ang dating live-in partner eh. Kailangan din naman nating hintayin kung ano man ang sasabihin niya tungkol sa mga bagay na iyan.

Unfair naman kung hindi natin hihintayin ang statement ni Jomari. 

Siguro naman kung nagkaroon nga sila ng problema ng kanyang live-in partner, hindi naman niya pababayaan ang kanyang mga anak. Anak niya iyon. Hindi naman niya ikinakaila na anak niya ang dalawang bata, at natural, responsible siya sa kanila.

Naniniwala kami na ang isyung ito ay hindi dapat patagalin ni Jomari dahil magkakaroon iyan ng epekto sa kanyang image bilang isang artista, at bilang public servant na rin.

Chinika ni Fr. Tito John Lloyd may malaking pinaplano

Tingnan mo nga naman, parang movie reporter na rin o blogger ba si Fr. Tito Caluag ngayon. Malapit din naman kasi siya sa mga artista dahil simula nang lumabas siya sa Jesuits, palagian na siyang nagmimisa sa chapel ng ABS-CBN. Kung minsan nagmimisa rin siya sa bahay ng mga artista. May pagkakataong, ewan kung anong okasyon, pero nagmisa siya sa bahay ni Judy Ann Santos.

May dinaluhan yatang isang summit si Fr. Tito sa Cebu, at nai-report niya sa kanyang social media account na nakita niya si John Lloyd Cruz na kasama ang anak na si Elias. Nai-report din ni father na may malaking plano si John Lloyd, pero hindi niya sinabi kung career project iyon o kung anong plano.

Female star tinawag na bastos ang sariling asawa

Off camera, sinasabi daw ng isang female star sa kanyang mga kaibigan na “bastos” ang asawa niya. Huwag na lang nating pakialaman kung bakit niya sinasabing bastos, pero sa palagay namin kung ano man ang problema ng mag-asawa, hindi na dapat kumakalat sa ibang tao. Maaari naman silang mag-usap na dalawa eh.

Ewan kung alam naman ni mister na nababastusan ang misis niya sa kanya. Pero sabi ng aming source, kahit naman daw ano sabihin ni misis bow lang si mister dahil alam niyang kailangan niya iyon para sa kanyang career.

Wala naman talagang career si mister eh kung hindi niya naging asawa si misis. Wala namang nangyari sa kanya noong araw kahit na matagal siyang nag-trying hard. Kaya nga siguro niligawan niya ang misis niya eh, alam niyang bukod sa asawa, magagamit niya iyong stepping stone.

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with