Hunky actor, dinalaw sa shooting ang aktres na na-ghosting
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 26, 2019 - 12:00am

May isa akong tinanong kung totoo bang dumalaw ang isang hunky actor sa shooting ng isang aktres na na-“ghosting” ng dating karelasyon?

Nali-link kasi ngayon si hunky actor kay aktres na naging very controversial ang love life kama­kailan.

Sabi ng napagtanungan ko, ang alam niya ay dumalaw si hunky actor sa dalawang aktor na kasali sa shooting na ‘yon.

“Ang alam ko, dumalaw si Do_____ (pangalan ni hunky actor) kina Ri_____ at I__ (pangalan ng dalawang aktor na kasali sa pelikulang ‘yon). Hindi ko lang alam kung si B__ (pangalan ng aktres) ang dinalaw niya, pero parang hindi naman,” sabi ng kausap ko.

Eh, si hunky actor naman ay madalas dumalaw sa mga shooting ng kanyang mga kaibigan.

Hindi ba at dinalaw rin niya ang shooting sa Europe ng friends niyang reel and real life sweethearts nang mag-shooting ang mga ito roon?!

Sabi pa ng kausap ko, mukhang wala pa namang karelasyon si aktres at busy ito sa ilang projects, pati sa isang bagong business.

Well...

Richard, Bea at Angelica inaabangan ang pagrampa sa Unbreakable

Ang premiere night mamaya ng Unbreakable movie sa SM Megamall cinema 1.

Inaasahan na katulad nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo ay makakasipot na rin doon si Angelica Panganiban na nagkasakit dahil sa over fatigue.

Sabi sa akin ng namamahala sa promotions na si Austin, sure na raw na makakapunta mamaya si Angelica.

Naku, mabuti naman at magaling na si Angelica.

Inaasahang magiging star-studded ang Unbreakable premiere night.

Si Ian Veneracion kaya na may special participation sa Unbreakable ay darating?

Nang ka-text ko si Ms. Gloria Diaz na kasali rin sa cast ng Unbreakable ay nasabi niya na nasa Japan siya, kaya nga pati sa pa-celebrity screening ko bukas sa Podium Director’s Club Cinema ay hindi raw siya makakapunta.

In fairness to Tita Glo, kahit nasa Japan siya, nag-reply siya sa text ko, kaya nakakabilib talaga ang nanay ni Isabelle Daza, huh!

Anyway, siguradong dudumugin bukas ng mga fan ang premiere night ng Unbreakable!

Angeline at Jed paborito ni Annabelle

Nasa Canada pa si Angeline Quinto para sa concert tour nila roon ni K Brosas.

Sabi sa akin ng handler niya sa Cornerstone na si Cynthia Roque, baka sa Monday ang balik niya ng bansa.

Masaya raw si Angeline dahil kahit ang USA concert tour nila ni K ay successful.

Si Angeline nga pala ang makakasama ni Jed Madela sa pre-Valentine concert dinner na ipo-produce ni Annabelle Rama.

Favorite singers ni Tita Annabele sina Angeline at Jed.

‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with